Kabanata 30

284K 8.5K 1.7K
                                    

THE passed two days had been hell for Hendrick. Gusto niyang hilahin ang bawat oras para makauwi na siya ngPilipinas. Ilang linggo niya nang hindi nakikita si Camilla. Asar na asar na siya.


Gusto niya nang pasabugin ang buong building ng Montemayor Tower sa Taiwan. Pa-extend nang pa-extend ang mga meeting, nauubusan na siya ng pasensiya.


This was the first time na nababaliw siya nang ganito. Iyong mas gugustuhin niya pang hindi matuloy ang mga business deal niya at malugi siya nang milyon-milyon makauwi lang siya sa Pilipinas kaagad.


Pagkagaling sa airport ay dumeretso na siya sa condo nito. Gabi na iyon at mukhang tulog na ang mga ito.


"N-Nandito ka na pala . . ." Nanlaki ang mga mata ni Camilla nang mapagbuksan siya ng pinto. Naka-pajama set ang dalaga at tila kagigising lang.


He threw her a lazy gaze. Bakit parang ni hindi man lang ito natuwang makita siya? Ngunit nawala rin lahat nang yakapin siya ni Camilla.


"I love the way you smell," anas niya sa pagitan ng pagsamyo sa buhok nito. Amoy strawberry.


"Amoy ko lang ba?" Tumaas ang mukha nito. Lalo itong gumanda at tila may kakaiba rito sa pagkakataong ito.


"Tease." Kinabig niya ang baywang nito para lalo silang magdikit. Pumasok na siya sa loob ng sala habang nakayapos pa rin sa maliit na baywang nito.


"Hendrick . . ." Bahagya itong lumayo sa kanya na ipinagtaka niya.


"What?"


Lumunok ito. Mukhang nag-aalangan ito na ituloy ang kung anumang gustong sabihin.


"What is it?"


"Saka ko na sasabihin . . . kapag sigurado na." Ngumiti ito at saka muling yumakap sa kanya.


"Puwede mo namang sabihin ngayon. Pinasasabik mo ako," namimigat ang talukap na aniya rito.


Humagikgik ito. Daig pa ng mahinang tawa nito ang pinaka- magandang musikang narinig niya. Geez, ganoon ang epekto sa kanya ni Camilla?


Muli siya nitong tiningala. "Pagod ka pa, e. Saka, hindi ko pa naman sure. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon mo kung sakali mang sabihin ko na sa 'yo." Lumabi ito. At kapag gumagano'n ito ay tumitindi ang pagnanais niya na angkinin ang mapupula nitong mga labi. "Tingin ko hindi mo pa keri na tumanggap ng kahit anong balita ngayon."


Napailing siya at saka muling tinitigan ang magandang mukha nito. "You understand me so well, it's like you can really read my mind."


Camilla was so perfect. Hindi na nga yata talaga siya makakikita ng katulad nito.



....


HINDI malaman ni Camilla kung paano pakikiharapan si Hendrick. Ninenerbiyos siya. Gusto niya nang sabihin dito ang tungkol sa resulta ng PT niya pero natatakot siya sa puwedeng maging reaksiyon ni Hendrick. Maging masaya kaya ito katulad niya? Tutal naman magpapakasal na sila. Doon na rin naman ang punta nila.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon