Kabanata 31

279K 8.9K 2.2K
                                    

"WHAT?!" Mukha itong nabilaukan. 


"Buntis na ako," ulit niya.


Natulala si Hendrick.


"H-Hindi ka ba masaya?" kinakabahang tanong niya. Baka hindi gusto ni Hendrick ang pagbubuntis niya nang maaga? Kung ano-ano na ang mga negatibong bagay ang naisip ni Camilla ngunit nagsalita si Hendrick.


"No. I mean . . . nakakabigla." Ipinilig nito ang ulo. 


"Hendrick . . ."


"Hindi ko alam na ganoon kabilis." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at saka siya tinitigan nang matiim.


"Ayaw mo?" Malapit na siyang maiyak.


"Of course not!" Ngumiti na ito. "Silly! At bakit ayaw ko? 'Di ba sabi ko nga, gusto ko ng isang dosena?"


Napangiti na rin siya sabay yakap sa binata. Napakasaya niya. Hindi niya akalaing ganito tatanggapin ni Hendrick ang magiging anak nila. Wala pala siyang dapat na ipag-alala.


"Camilla . . ." Hinagod nito ang likuran niya saka siya hinalikan sa ulo.


"Kailangan mo na talaga akong pakasalan," aniyang nakatawa habang humihiwalay sa pagkakayakap dito.


Hindi ito kumibo, sa halip ay hinawakan ang kamay niya at hinila palabas ng opisina nito.


"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang napasunod na lang siya rito.


"Magpapakasal na tayo."


"Ha? Ngayon na?" Sumakay na sila sa elevator. "Oo. Ayokong lumaking bastardo ang baby natin." 


Ngumuso siya. "Fetus pa lang po ito."


"Okay .  Ayokong lumaking bastardo ang fetus natin."


Ang mga empleyadong nakasasalubong nila ay nangingiti na lang sa kanila.


...


MABILISAN ang kasal nila sa huwes na kaibigan nito. Hindi niya makontak si Cynthia kaya si Pie na lang ang kinuha niyang saksi at si Hendrick naman ay ang Ate Gabriella nito ang kinuha. Hindi rin kasi nito makontak si Leo.


Parang panaginip lang habang isinusuot ni Hendrick sa daliri niya iyong wedding ring na binili nito para sa kanya. Pagkatapos magpaalam sa mga saksi nila ay umalis na agad silang dalawa ng kanyang brandnew husband!


"Doon na kayo titira sa condo ko." Habang ini-start ang sasakyan ay tumingin ito sa kanya.


"P-paano iyong condo na binili mo para sa 'min ni Kara?Sayang iyon."


"Sa 'yo pa rin iyon."

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon