ISANG BUWAN NA, WALA PA RIN SIYANG TRABAHO.
Isang buwan na ang lumipas, tila pinaglalaruan ng tadhana si Camilla. Kahit saan siya mag-apply, hindi siya natatanggap. Hindi niya maintindihan kung bakit.
Maayos naman ang credentials niya, may pleasing personality siya, at maayos din siyang sumagot sa interview, ngunit sa huli, ligwak siya palagi.
Napabuntong-hininga siya habang naglalakad sa walkway. Isang buwan na rin pala mula nang maghiwalay sila ng landas ng may saltik na bilyonaryong si Hendrick Montemayor. Ayaw niya na itong maalala ngunit sumasagi pa rin ang lalaki sa isip niya.
Hindi niya maiwasang hindi ito maalala...
Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon? Malamang na nagsasara ng isang business deal at mamayang gabi ay kasama ang Ava na iyon. Siguro nga ay karelasyon nito ang babaeng iyon. E di sila na masaya.
Sila na masaya habang siya, walang trabaho. Gusto niyang mapamura. Bakit ba kasi hindi siya matanggap-tanggap sa lahat ng ina-apply-an niya? Ano bang problema?!
Mula nang sinubukan niyang bumalik sa massage spa na pinapasukan niya noon ay sunud-sunod na talaga ang malas niya. Natuwa pa naman siya sa dating pinapasukang spa dahil nakita niyang bigla iyong umasenso.
Ang dating spa na pinapasukan niya ay biglang nag-expand. Mukhang biglang yumaman ang may-ari. Ang nakakainis lang dahil sinabihan siya na "she's fired" na raw kasi wala nang pampa-sweldo sa kanya. Ano 'yun?
Sinubukan niya na mag-apply na lang sa iba. Ang kaso malas talaga. Ang malas talaga. Ilang araw na siyang umiikot sa buong Manila upang mag-apply at hanggang ngayon, hindi pa rin siya naha-hire.
Kailangang-kailangan niya nang pera dahil simot na simot na siya. Naubos na ang lahat ng binayad ni Hendrick sa kanya sa operasyon ng nakababata niyang kapatid na si Kara. Ngayon ay kailangan niyang bumili ng mga resetang gamot, kailangan din ng tuloy-tuloy na check up for monitoring.
Kailangan niya nang makakuha ng trabaho. Kailangang-kailangan dahil ang daming pagkakagastusan, at isa pa, gusto niya ring maging busy para malibang.
Naririnig pa lang o nababasa ang pangalan niya sa kanyang resume, bigla nang tinatabangan sa kanya ang mga HR at interviewers. Sa tuwing magpapasa siya ng resume ay automatic kaagad nitong sasabihin sa kanyang "sorry wala na pa lang bakante".
Funny dahil lahat ganoon kahit pa ang linaw-linaw ng mga karatula sa labas ng mga establisyemento na may WANTED at HIRING. Joke lang ba ang mga iyon?
"Pag tinamaan ka nga naman ng malas o! Bakit ba lahat ng apply-an ko ay isinusuka ako?!"
Inis siyang sumalampak sa upuan ng pinara niyang jeep. Hindi na siya magta-taxi dahil kakapusin na siya.
Buong biyahe ay nakasambakol ang kanyang mukha at pilit inaalala kung may balat ba siya sa pwet.
...
MONTEMAYOR CONSTRUCTION COMPANY
"Speak." Inikot ni Hendrick ang kanyang swivel chair paharap sa naka-amerikanang lalaki na nakatayo sa harapan ng kanyang office desk.
Inayos naman ng lalaki ang suot nitong kurbata at saka inilapag ang isang itim na envelope sa kanyang mesa. "Nag-apply si Camilla Honrado bilang saleslady sa Montemayor Mall kaninang umaga. Kaagad iyong naitawag sa akin ng inpormante ko at agad naman nilang na-decline ang application nito."
"Good." Tumango-tango siya.
Tumikhim ito bago nagsalita muli. "Isang daang tauhan ang inutusan ko para bantayan ang mga kilos ni Camilla Honrado. Sa lahat ng malls ay naka-banned na rin ang pangalan niya kaya hindi na rin siya doon tatanggapin kahit janitress. At kahit subukan niya ring mag-apply sa mga fast food chains ay hindi na rin siya tatanggapin."
Mula nang bumaba sa cruise si Camilla ay umupa na siya nang magmamatyag dito—at isa na roon itong si Angeles. Pinabayaran niya rin ng malaking halaga ang dating spa na pinagta-trabahuan ni Camilla upang hindi na roon tanggaping muli ang dalaga.
Maging ang iilang modeling agency na pinapasukan nito ay pinamudmuran niya na rin ng salapi upang hindi na muling kunin ang serbisyo nito.
Nagkamali si Camilla sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya. His ego was big as the moon. He can never forgive her.
"Very good, Angeles. Make sure na kahit sa mga stand sa bangketa ay hindi siya tatanggapin, if ever man na out of desperation ay maisipan niyang mag-apply roon."
Tumango si Angeles.
"Sige. Makakaalis ka na, Angeles. Keep me posted sa mga gagawing hakbang ni Camilla Honrado."
Nang makalabas na ng opisina ang kanyang tauhan ay tuluyan nang napangisi si Hendrick.
Dinampot niya ang katabing telepono. "Magpagawa ka ng ads sa diyaryo na kailangan natin ng bagong empleyado rito sa kompanya. Ipa-send mo ang diyaryo sa address na ibibigay sa 'yo ni Angeles mamaya." At saka niya pinatay ang intercom.
"Camilla... Camilla... Hindi matatapos ang linggong ito nang hindi ka bumabalik sa akin..." mahinang anas niya habang nilalaro sa kanyang mesa ang sign pen. "I will just sit here... and wait for you..."
JF
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
General FictionWhat H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]