Kabanata 40

255K 7.4K 1K
                                    

PINILIT ni Camilla na huwag magkatunog ang pag-iyak niya.


Bakit nga ba siya umiiyak? Walang problema, 'di ba? Walang problema sa asawa niya. Wala. Ngunit bakit naiiyak siya? Bakit nasasaktan siya?


Walang siyang kamalay-malay na habang umiiyak siya ay nasa likuran lang pala ng pinto nakatayo si Hendrick. Nagtatagis ang mga ngipin nito habang nakakuyom ang mga kamao. He was silently cursing himself.


Wala na si Hendrick, hindi pa rin bumabangon si Camilla mula sa kama. Nananakit ang balakang niya at mahapdi rin ang kanyang mga labi. 


Iyong nangyari kagabi...it was different.


Marahan siyang tumagilid at kinuha ang kanyang cell phone. Nang maka-connect siya sa Wi-Fi ay nag-search siya about satyriasis.


satyriasis


sa•ty•ri•a•sis (st-r-ss, st-) n. Excessive, often uncontrollable sexual desire in and behavior by a man. [Late Latin satyriasis]


Search 2:


A common characteristic of sexual addiction, as in many other addictions, is the combination of denial and demonstration of loss of control - the patient denies he/she has a problem, but it is clear they are not in control.


Sex addiction . . . 


Sex addiction . . . 


Sex addiction . . .


Iyong mga sinabi ni Ava . . . totoo ba? Nababaliw na rin ba siya kagaya ng babaeng iyon?


Ganoon ba si Hendrick? He's good in bed. Really good in bed. Hindi siya nito sinasadyang saktan. Hindi naman siguro siya nito gustong saktan.


"Hendrick, ano ang totoo?"


Naiiyak na siya. Nagmamahal siya, dapat nagtitiwala siya. Ngunit ang hirap pala kapag ganito. Iyong para kang salop na napupuno na. Mas mahirap naman iyong darating pa ang oras na talagang wala na siyang maramdaman... iyong manhid na siya.


Hindi siya nalilito dahil maaari ngang may sakit si Hendrick. Ang higit niyang ikinalilito ay kung ano ang totoong katauhan ng asawa niya. Akala niya noon ay sapat nang mahal niya ito . . .


She felt so tired. Emotionally tired. Hindi siya makahinga. Tumayo siya sa kama kahit pakiramdam niya'y namamanhid pa rin ang buo niyang katawan.


Wala si Chichay, nasa palengke ayon sa note na nakadikit sa pinto ng ref.


"Kara . . ." tawag niya sa kapatid. Naabutan niya itong nakahiga pa rin sa kama.


"Bakit po, Ate?" Hindi niya na napansin ang pamumutla nito. 

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon