"HELLO!"
Sa opisina. Dahil tinanghali nang magising ay nagmamadali si Camilla na puntahan si Hendrick. Yayayain niya sana itong mamasyal. Mukha namang wala itong masyadong meeting today o kung meron man ay ipapa-cancel na lang niya rito. Gusto niya kasi talagang magliwaliw.
Pinuntahan siya ni Pie sa opisina ni Hendrick at binati. "Pie!"
"Camilla, ano kasi . . . ahm . . . may party. Yayayain sana kita na sumama." Parang alanganin ito na hindi maunawaan. Nahihiya yata.
"Party nino?" nakangiting tanong niya. "Si Ally. Birthday niya kasi. Punta tayo?"
Si Ally, isa sa mga HR staff doon. Kilala niya rin iyon at nakakangitian niya rin minsan.
"Sige na, minsan lang naman iyon, e. Ano? Sige na . . ."
Napakamot siya sa kanyang baba. Sa bagay, minsan lang naman . . . saka ayaw niya namang sabihin ng mga ito na maere na siya dahil lang sa napangasawa na siya ng boss nila. "Kailan ba?"
Doon na ito napangiti nang todo. "Mamayang gabi. Sa Metrowalk. Sa Yuhoo."
"Sige, titingnan ko, ha?" Nagpaalam na siya rito at saka nagtungo sa opisina ni Hendrick. 'Ayun, naabutan niya na naman doon si Ava.
"Hi." Matamis ang ngiting ibinigay niya sa mga ito.
"Why are you here?" nakakunot ang noong tanong ni Hendrick sa kanya. Ayaw na kasi siya nitong papasukin sa trabaho.
Siya man ay napakunot na rin ang noo. Mukha kasing paalis na naman ang dalawa. "May meeting na naman kayo?"
Nilapitan siya ni Hendrick at saka hinawakan ang pisngi niya. "Ah, actually yes. Aabutin pa ng gabi . . ."
Lumungkot ang mukha niya. "Can you cancel it?"
"Oh, I'd love to . . . kaya lang . . ."
Napatingin siya kay Ava na tila inip na inip na.
"Okay lang." Pagbaling niya kay Hendrick ay pinilit niya ang sariling ngumiti rito. "May lakad din ako . . ." sabi niya kahit parang may kumurot sa puso niya.
Bakit gano'n? Ang hirap namang maging asawa ng isang CEO!
"What?"
"Birthday ni Ally, iyong sa HR. May celebration."
Tinawag ni Ava ang pansin nila sa pamamagitan ng pagkatok sa sliding door. "H, pupunta muna ako kay Mrs. Velasco!"
"Okay," sagot ng asawa niya rito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
General FictionWhat H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]