Kabanata 22

365K 9.8K 1.3K
                                    

MAINIT ANG MATA NG LAHAT.


Pagtungtong pa lang ni Camilla sa Montemayor Construction Company ay nakatingin na ang lahat sa kanya, mula sa mga guwardiya hanggang sa ibang mga empleyado.


Sino ba naman ang hindi magugulat. Umalis sila kahapon ni Hendrick Montemayor na magkahawak-kamay. Malamang news flash iyon!


"Pie..." Nakasalubong niya sa hallway ang kaibigang staff na si Pie.


Ngiting-ngiti ito sa kanya. "Bakit hindi mo sinabing nabingwit mo na pala si Sir H!" patiling sabi nito. Mukhang excited na maki-chika.


Napangiti siya. Iba ang naging reaction niya sa kanyang inaasahan. Dapat ngayon ay namimilipit siya sa hiya, ngunit heto at namimilipit siya sa kilig. Mukhang nababaliw na nga talaga siya.


Pabiro siya nitong hinampas sa balikat. "Sinasabi ko na nga bang may 'something' eh! Matalas ang pakiramdam ko talaga! Umpisa pa lang na bigla kang sumulpot dito para maging kapalit ng secretary niya! Ang taray mo, sis!"


Ngingiti-ngiti lang siya. Ngunit ang puso niya ay nalulunod na sa kilig at pagka-proud. Sino ba ang hindi kung malalagay sa katayuan niya di ba?


"Sige! Good luck! Saka 'wag mo masyadong akitin si sir at baka hindi na makapag-trabaho iyan sa loob nang maayos! Hihi."


"Hoy! Hindi, ah!" Ito naman ang kinurot niya. "Sige Pie, aalis na ako, ha? Baka kasi hinahanap na ako ni Hendrick."


Lalo itong napangisi dahil sa 'Hendrick' lang at wala ng 'Sir' ang tawag niya sa binatang amo nila sa kompanyang iyon. Napabungisngis pa ito nang mapansin ang kanyang red ribbon headband. "Anyway, nice ribbon."


Napalabi siya sa pagpapaalala nito sa suot niyang headband na may ribbon na red. Basta niya na lang naisipan na isuot iyon, bakit ba?


Sa paglalakad niya papunta sa office ni Hendrick ay may mangilan-ngilan pa siyang nakakasalubong na mga ibang empleyado— na halos lahat ay nakangiti sa kanya.


"Hi! Good morning, Miss Camilla!"


"Good morning..." Ginagantihan naman niya ng bati at ngiti ang mga ito, kahit pa ang ilang empleyadong babae ay mukha namang plastic ang pagbati sa kanya.


Grabe makangiti ang iilan pang nakasalubong niya, iyong iba nga na dati ay di naman siya pinapansin ay ngayo'y tinatanguan siya.


Pagka-bungad niya pa lang sa pinto ng office ni Hendrick ay nakapaskil na agad ang matamis niyang ngiti. Kaiba ang araw na ito sa mga nakaraang araw. Ngayon kasi ay magaan ang loob niya, maaliwalas ang pakiramdam niya. Hindi na siya naaasar sa lalaki.


Nasa desk nito ang lalaki. Nakasuot ng polo na kuyang puti, ang coat ay nakahubad at nakasampay sa likuran ng swivel chair nito, may suot itong black rimmed specs, at syempre, kagaya ng parati ay mukhang itong napakabango.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon