Kabanata 45

324K 9.3K 2K
                                    

WHAT WAS SHE DOING RIGHT NOW?


Natutulog na ba si Camilla?


Nakailang-balik na si Hendrick sa sala ay hindi pa rin siya matahimik. Hindi siya makatulog kahit malalim na ang gabi.


Kumain ba si Camilla kanina? 


Malungkot ba ito? Ngumiti ba ang mga labi nito sa buong araw? 


Naalala ba siya nito kahit saglit lang?


Nakailang shot glass na siya ngunit hindi tulad nang mga nakaraang gabi na nagpapakalasing siya. This time ay gusto niya lang na libangin ang sarili. Hindi niya kayang tigilan ang pag-iisip kay Camilla.


God damn, he missed her. Very much so...


He wanted to go to her, to beg for her forgiveness, to ask her to come back to him... ngunit natatakot siya na hindi ito pumayag. Natatakot siya na hindi siya nito patawarin. Natatakot siya na baka sabihin nito na hindi na siya nito mahal.


Ang daming bilyon-bilyong deals sa mga tusong negosyante ang naisara niya nang hindi man lang siya nanginig nang kaunti, ngunit kay Camilla'y takot na takot siya. Natatakot siya na baka talagang ayaw na nito sa kanya.


Ayaw na nito kasi gago siya, siraulo, psycho at...


Bumukas ang pintuan ng condo. Agad siyang napatingin doon. Kahit may pagka-dim ang liwanag na idinudulot ng lamp sa tabi ng sofa ng sala ay nakilala niya pa rin ang pigura ng dumating.


Agad na nanginig ang mga tuhod niya nang masilayan ang mukha nito. "W-what took you so long?"


Parang atubili pang lumapit sa kanya ang babae. Natatakot ba ito sa kanya?


Ngayon na ba nito sasabihin na ayaw na talaga nito? Makikipaghiwalay na ba ito?


"H-Hendrick..." May nginig sa boses nito nang magsalita. "You lost weight, baby." Malungkot itong tumitig sa kanya.


"Camilla..." Natulala siya. 


Totoo bang pangungulila ang nasa mga mata nito? Was she even real? He was tipsy and maybe this woman in front of him was just a product of his imagination.


"Camilla, are you real? Or I am just hallucinating because I miss you? You know, I miss you so much. I even missed you when I am sleeping!"


Humakbang ito palapit sa kanya hanggang sa makarating sa mismong harap niya. The urge to kiss her was so powerful. He missed her terribly. But now that she was in front of him he was scared to even touch her hair. Baka bigla itong maglaho.


Inabot ang kanyang kamay. Napakurap siya nang maramdaman ang mainit at malambot nitong palad.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon