HINDI PWEDENG WALA SIYANG TRABAHO!
Nanlalalim ang ilalim ng mga mata ni Camilla sa puyat. Nai-stress siya sa dami ng bayarin tapos wala siyang pera.
Hanggang ngayon, wala pa rin talaga siyang makuhang trabaho.
Nakapagdesisyon na siya. Tanggap niya na ang kanyang kamalasan. Isa na lang ang sagot doon—koneksyon.
Baka maaari siyang magpatulong o magpa-refer sa kahit saang kompanya, kahit saglit lang habang wala pa talaga siyang makitang ibang trabaho.
Tatawagan niya na si Leo—pamangkin ni Hendrick. Ito lang naman kasi ang nakikita niyang pwedeng hingan ng tulong tutal may kayabangan ang isang iyon at mukhang hindi naman siya papahindian. Binigyan nga siya nito ng calling card at tawagan niya lang daw ito kung may kailangan siya.
Malay niya at baka nga matulungan siya ni Leo. Ipapakiusap na lang niya na 'wag ipaalam kay Hendrick ang paghingi niya ng tulong dito. Mukha namang mabait ang lalaki kaysa sa Hendrick na iyon.
Kapit na sa patalim kaysa naman magutom silang magkapatid. Saka sandali lang naman. Kapag nakahanap na siya ng ibang trabaho ay aalis na siya sa kung saan man siya ipasok ni Leo.
Agad niyang idinial ang numero nito matapos niyang magpaload. Saglit lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Hello? Good morning, Leo."
Matagal bago ito nagsalita. Marahil ay kakagising lang. "Uh... Hello?" Ang boses na para bang hinihingal.
"Si... si Camilla ito. Camilla Honrado—iyong..." Hindi niya pa nasasabi kung ano ang sadya niya nang makarinig siya ng impit na hiyaw mula sa background ni Leo.
Parang hiyaw ng isang babae? Saka parang pamilyar 'yung boses?
Nagsalita uli si Leo. Mas malalim na ang boses nito ngayon. "Ano iyon Ca— Ahhhhhhh..."
Kumunot ang noo niya. Ano bang ginagawa ni Leo? Bakit parang... umaalulong ito?
"Sandali lang, Ca— Ahhhh... Ohhh... Putangina— Ahhh Cyn— aaahhh... Ohhhh!" At kasunod niyang narinig ay ang paglangitngit ng kinaroroonang kama ng binata.
May ka-morning sex si Leo!
Pinamulahan siya ng mukha. "Leo! Sorry naistorbo ata kita! Never mind na lang. Bye!" Agad niyang pinatay ang telepono niya. Wrong move na tinawagan niya ito!
Hindi siya dapat lumapit dito. Ang walanghiya! Wala rin pala talagang ipinag-iba sa Hendrick na iyon! Mga aso!
Gigil na gigil siya at nahihiya rin sa kanyang sarili. Wala na siyang ibang maaasahan ngayon kundi ang sarili na lang niya.
For her and Kara, kailangan niyang magsumikap. Itinago niya na muli ang kanyang cellphone at saka lumabas ng kanilang apartment upang sumubok uli na mag-apply.
"Hoy, Camilla! Baka may balak ka ng magbayad ng upa niyo?!"
Nahinto siya sa paglalakad dahil sa sigaw na iyon. Kaya siya nagmamadaling umalis ay para hindi na sana siya nito maabutan ngunit naabutan pa rin siya.
Alanganing nginitian niya ang kanilang kahera. "Aling Nora... Baka sa susunod na araw po ay magkapagbayad na ako—"
Pinamewangan siya nito. "Aba! Nung isang linggo mo pa sinasabi iyan, ah?! Binu-bwisit niyo lang ang negosyo ko! Kung wala kayong pangbayad ng upa ay lumayas kayo sa apartment ko!"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
General FictionWhat H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]