Kabanata 8

612K 13.8K 9.2K
                                    

"WOW!"


Namimilog ang mga mata ni Leo Montemayor-Saavedra habang nakangisi naman ang mga labi nito.


"Yeah. That stupid woman slapped me."


Gigil na gigil siya kay Camilla at gusto niya itong sakalin, kaya lang ay ayaw nitong lumabas ng banyo. That witch.


Ngayon ay dito siya pinulot sa cabin ni Leo. Nagulat pa ito nang pagbuksan siya kanina, higit lalo nang magsimula siyang magkwento. Hindi niya masisisi ang lalaki dahil kahit siya ay nagulat nang bigla siya ritong magkwento.


Ngayon lang siya nag-open up kay Leo. Kahit kanino, kahit kailan ay hindi niya pa nagawa ang ganito.


Ngunit ngayon ay hindi niya mapigilan ang bibig niya dahil kung hindi niya mailalabas ang nasa dibdib, baka mapasabog niya ang buong barko sa gigil niya kay Camilla.


"Did she really do that to you?" Hindi pa rin makapaniwala si Leo. Ang itsura nito ngayon ay tila naempatso dahil sa pagpipigil nito ng tawa, of course he knew that he would be insulted if he laugh.


"I told you, she really did. Ang babaeng iyon, hindi niya ba alam na siya pa lang ang bukod tanging inalok ko ng ganoong deal?! Tapos anong iginanti niya sa 'kin? She slapped me!"


"Wow! Just wow. Mas lalo tuloy akong na-excite na makita at makilala siya sa party mamaya."


Napaismid siya. "What? At anong nakaka-excite ro'n? Kailan ka pa nagka-interest sa isang amazona?"


"Whoa! And you, H? Kailan ka pa na-obsessed sa isang amazona?!"


"Obsessed?!" Halos magbuhol ang kilay niya sa pagsasalubong. "I am fucking not"


Damn! Hindi pwede ang sinasabi nito!


"Yeah, that's the term na mas bagay para sa nararamdaman mo sa kanya. Aba, ngayon ka lang nagkaganyan. First, ngayon ka lang kumontrata ng isang babae para sa mahigit isang linggo. Secondly, ngayon lang kita narinig na nagku-kwento tungkol sa isang babae. This is so unlike you, H."


"I told you, I'm not—"


"You are!" Umupo ito sa kaharap niyang silya at saka dumikwatro.


"No!" Naihilamos niya ang kanyang mga palad. Naiinis siya dahil parang totoo nga ang sinasabi ni Leo. Bakit kasi hindi niya naisip na matatapos din ang kontrata nila ni Camilla after two weeks? But at the same time ay naiinis siya sa babaeng iyon na may lahi yatang amazona.


Inilapit ni Leo ang mukha sa kanya. Ngising-ngisi ang loko. "Alright. You choose. Obsessed or... in lov—"


"Stop!" he cut him off. "Fine! Obsessed na kung obsessed!" That was better than being in... oh, goddamnit! He couldn't think of the word.


At least may katapusan ang obsesyon. Kapag nagsawa na siya, pwede niya nang itapon at bitiwan.


"Yes!" Napahalakhak naman si Leo sa sagot niya.


Napa-tsk siya. Nagsisisi na siya at dito niya inilabas ang mga saloobin niya gayung wala naman talaga itong naitulong.


"Aalis na ako." Tumayo na siya at tinungo ang pinto.


"Goodluck, H!" habol nito na bagamat hindi niya nakikita ay batid niyang nakangisi.


Napailing na lamang siya at lumabas ng pinto.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon