Epilogue

354K 8.1K 2K
                                    

6 MONTHS PASSED...


Ava was now in Singapore. Nakakulong ito sa isang ospital. Finally, may doktor nang titingin sa babae. Ngunit kahit gumaling ito ay hindi pa rin ito tuluyang magiging malaya. Sa airport ay nahulihan ito ng ilang gramo ng ipinagbabawal na gamot. Banned na ito sa pagbalik sa bansa at may pataw na sampung taong pagkakakulong dito sa Singapore kapag mentally stable na ito.


Si Dr. Garais naman ay wala na rin sa bansa. Natanggalan ito ng lisensiya ngunit hindi na ito ipinakulong ni Hendrick.




INAYOS ni Hendrick ang mga papeles para makaalis sila ng bansa. Sa New York nila ipapagamot ang kapatid niya na sa awa ng Diyos ay bumubuti na ang kalagayan. Sa mga sandaling iyon ay malapit na ang kabuwanan ni Camilla bagamat maliit lang talaga siya magbuntis.


"Magpagaling ka." Hinaplos ni Hendrick ang noo ni Kara. "We're going to the States, kiddo. Doon gagaling ka at makakapasok na sa school."


Ngumiti si Kara. "Yes, Kuya H! Excited na akong pumasok sa school."


Pinisil niya ang kamay ng kapatid. "Kara, dapat gumaling ka na, ha? Aalagaan mo pa si Baby Carick, di ba? Malapit na itong lumabas."


Nakangiting hinimas ni Kara ang tiyan niya. "Opo, Ate. I'm excited to see you, Baby Carick."


Lumabas na sila sa private room ni Kara at ipinagkatiwala muna ang bata sa private nurse nito.Niyakap siya ni Hendrick nang makarating sila sa parking lot ng ospital.


Nagsisimula sila ulit ngayon. Malaki na ang pinagbago ni Hendrick. Sinasamahan niya rin ito sa pagpunta sa psychiatrist nito. Cooperative ito at lahat ng payo ng doktor ay sinusunod.


Naa-appreciate niya ang lahat ng ginagawa nito. He was doing his best to better himself, para sa kanya at sa magiging baby nila.


Wala na siyang ibang mahihiling pa sa buhay kung hindi ang sana ay gumaling na si Kara.


Naalala niya ang best friend na si Cynthia. Hindi na ito nagpaparamdam sa kanya at hindi niya na alam kung nasaan ito. The last time she saw her was in the airport. May hinatid sila roon ni Hendrick.


Nagulat siya nang makitang buntis din pala si Cynthia at malaki na ang tiyan. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari rito maliban sa nabanggit nito noon na nakadale raw ito ng mayamang lalaki. Nagtatampo siya rito dahil hindi na nga ito nagparamdam sa kanya. Ni hindi siya pinansin sa airport nang magtama ang mga mata nila.


"Camilla..." Niyakap siya ni Hendrick nang nasa loob na sila ng sasakyan. Sumubsob ito sa dibdib niya.


"Anong problema ng baby na 'yan?" malambing na tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.


Si Hendrick, hindi na nagbalik ang dating repleksyon ng mga mata nito. Wala na ang malamig at nagyeyelong tingin.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon