Kabanata 18

396K 11.7K 3.5K
                                    

"GOOD MORNING, MY LOVELY SECRETARY."



Nagulat si Camilla nang maratnan si Hendrick sa opisina nito na mukhang good mood.



'Kabagan ka sana kakangiti mo'



Pinilit niyang hindi ito pansinin kahit mapupunit na yata ang mukha nito sa pagkaka-ngiti. Inabala niya ang kanyang sarili sa mga papeles na nasa kanyang desk. Kailangan niyang paghirapan ang bawat sentimong sasahurin niya sa kompanyang iyon para naman walang masabi sa kanya si Hendrick.



As an employer ay okay naman ito, professional din at may isang salita. Sa katunayan ay nakapag advance na nga siya ng one month salary niya kaya nakabili na siya ng bagong maintenance ni Kara. Nakabayad na rin siya sa kanilang renta sa bahay, tubig at kuryente.



Matapos ang kalahating oras at tinawag siya ni Hendrick. Ang loko, nakangiti pa rin.



"Pakibigay kay Miss Tuarez ang report for this month. Paki-cancel na rin ang ilang appointments ko after 3:00 PM."



"Okay." Tinanggap niya ang folder at agad na lumabas ng opisina nito.



'Hay sa wakas... nakahinga rin' Para kasing hindi siya makahinga sa opisina ni Hendrick. Nakaka-suffocate itong kasama. Parang tanga kasi. Sumasakit ang ulo niya kakaisip kung bakit ba ngiti ito nang ngiti mula nang dumating siya. Kinakabahan tuloy siya.



Napaigtad siya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang slacks. Ang best friend niyang si Cynthia ang tumatawag.



"Hey, Cyn? Bakit?" sagot niya rito. Nginingitian niya lahat ng empleyadong nakakasalubong niya ngunit napawi ang ngiti niya nang marinig ang garalgal na boses ni Cynthia mula sa kabilang linya.



"C-Camilla..."



"May problema ba?" agad siyang nag-alala rito.



"Wala na..." anito sa pinaka-O.A. na boses na narinig niya sa tanang buhay niya.



"Ha? Anong wala na?"



"Camilla..." sunod-sunod na singhot ang kasunod ng salita nito.



Kinabahan siya. May kutob na siya kung ano ang ipinuputok ng butse ng kanyang kaibigan. "You mean naisuko mo na ang Bataan?!" panghuhula niya. Iyon lang naman kasi ang big deal dito eh.



"Ni-rape niya ako..." mahinang anas nito.



"What?!" Napahinto siya sa paglalakad. Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.



"Tinali niya ako sa kama at binusalan! Hayop ang Leo na iyan!"



Leo? Leo ang pangalan nong L?



"T-teka! Teka, Cynthia! Anong nangyari?! Akala ko ba mahal ka niya?! Akala ko ba mabait siya?!" Pati siya ay naluluha na tuloy. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kanyang best friend na para na rin niyang kapatid.



Humagulgol ito. "Demonyo iyang Leo na iyan! Ang walang hiya, nakuha pang mambabae sa harapan ko! Tangina talaga ng lalaking iyon!" Muli itong suminghot. "Tangina nila ng babae niya! Ang bababoy nila! Napakahayup nila!"



Awang-awa siya rito. Sa isip niya'y minu-murder niya na ang Leo na iyon. Kung sino man ito.



"At alam mo ba ang pinakamasakit?! Kapag wala ang babae niya ay ako ang pinagbubuntunan niya ng init ng katawan! Pinipilit niya ako! Iyon nga, ginagapos niya ako sa kama!"



The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon