Kabanata 43

236K 7.6K 924
                                    

"HENDRICK..." kulang ang salitang tumigil ang oras pagkakita niya rito. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap kay Benj.


Nakatayo si Hendrick sa harapan nila at nakatingin sa kanya. His eyes were cold yet they seemed to burn her skin. He looked haggard at magulo ang buhok nito. Halata ding hindi nakapag-ahit nang maayos... but still the handsome man na nakita niya sa buong buhay niya.


"Hendrick, sinamahan niya lang ako."


Tinignan nang masama ng asawa niya si Benj. "I appreciate the time you spent with my wife. But that's all, I don't want to see you near her again."


Naasar si Benj sa kagaspangan nito. "Matapos mong pabayaan ang asawa mo ay may gana ka pang magsalita nang ganyan? At sa tingin mo hahayaan kong saktan mo siya ulit? I won't let you!"


Ganoon na lang ang pagliliyab ni Hendrick, agad nitong kwinelyuhan si Benj. "You must be tired of living."


"Tumigil kayo!" Pumagitna siya sa dalawa. Nangingilid ang mga luha nang tingalain niya si Hendrick. "Please..."


Tulala itong napatitig sa luhaan niyang mukha.



NANG umalis na si Benj ay naiwan na siya kasama si Hendrick. Wala itong kibo habang nakapamulsa sa suot na grey sweat pants. Hindi sa kanya nakatingin.


"Hendrick..." Hindi na siya nakatiis.


Hindi ito lumingon sa kanya.


"Nasa ospital si Kara. Dinala ko siya sa ospital."


"Puntahan mo ang kapatid mo..." mahinang sabi nito. Malamig. Hindi pa rin ito nakatingin sa kanya o talagang umiiwas lang ito ng tingin sa kanya?


"Salamat..." Ngunit hindi siya umalis... hinintay niyang magsalita muli si Hendrick ngunit nanatili itong walang kibo.


"Hendrick..."


Nang tumingin sa kanya ang magandang uri ng kulay tsokolate nitong mga mata ay tila nalunod siya.


"Ang lahat ng bayarin dito ay ipapaasikaso ko abogado ko. Ipapalipat natin sa private hospital ang kapatid mo. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil asawa mo pa rin ako. Tungkulin at gusto kong tulungan ka sa lahat ng pagkakataon..."


"Thank you, Hendrick..."


"Gusto kong ibigay ang lahat ng kailangan mo..." Umiling ito. "Pero hindi kita pipiliting tanggapin ako. Hindi ako perpekto Camilla, pero mahal kita. Sana kahit hindi naging maganda ang pagsasama natin bago ka umalis ay naramdaman mong totoong mahal kita. Hindi ko alam kung sa tamang paraan ko ba naiparamdam sa 'yo iyon..."


Nakagat niya ang labi niya. Gusto niyang umiyak at sugurin ito ng yakap ngunit hindi niya magawa. Iniwan niya ito. Iniwan niya si Hendrick ngunit heto at hinanap siya nito.


"Sana... kapag napatawad mo na ako... umuwi ka na sa akin." Humakbang ito palapit sa kanya at masuyong hinalikan ang noo niya. "Namimiss na kita, baby... Sana umuwi ka na... I am willing to give up everything for you."


Doon na siya napaiyak nang tuluyan... ngunit wala na.


Wala na si Hendrick.


Tumalikod na ito at nagsimula nang lumakad palayo sa kanya. 


JF

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon