Kabanata 29

310K 8.6K 1.9K
                                    

WELCOME TO HACIENDA MONTEMAYOR.


Nahigit ni Camilla ang kanyang paghinga nang pumasok ang kotseng sinasakyan nila ni Hendrick sa loob ng malawak na hacienda. Parang paraiso ang daang tinatahak nila. Maberde ang lahat ng mga halaman, mataba ang mga lupa at ang lahat ng tauhang nadaraanan nila ay humihinto upang magbigay galang sa pagdaan ng kanilang sinasakyan. Nakakalula.


Ilang oras ang biyahe mula sa Manila patungo sa bayan ng Dalisay na matatagpuan sa Norte. Hapon na sila nakarating kung saan naroon ang sikat at malawak na hacienda na pag-aari ng angkan ng mga Montemayor, isa sa pinakamayamang angkan sa Asya.


"Hey, relax." Inilagay ni Hendrick ang kamay niya sa braso nito.


Sa gitna ng malawak na hacienda ay pumasok sila sa malaking bakal na gate, ang Villa Montemayor. Sa bukana pa lamang nito ay matatanaw na ang napakaraming unipormadong guwardiya. Sa loob ay sementadong malalawak na daan ang makikita at mga nagtatayugang mansiyon. Doon daw nakatira ang pamilya ni Hendrick.


Hindi niya magawang kumalma. Kahit nameet niya na ang parents ni Hendrick sa barko ay kinakabahan pa rin siya na makita ulit ang mga ito. Ibang usapan na ngayong nakatungtong siya Villa Montemayor.


"Bakit maraming tao rito?" Napansin niya na maingay at maliwanag ang solar ng mansiyon na kanilang hinintuan. Mistulang palasyo ang laki niyon.


Pagkababa nila ng sasakyan ay nauna nang lumakas si Hendrick patungo sa main door ng mansiyon matapos nitong ibigay ang car key sa isa sa mga tauhan doon.


"Alam nilang darating tayo. Isa pa, despidida rin ng panganay kong kapatid at ng pamilya niya. Pamilya ni Leo. They are going back to the States so may simpleng salo-salo."


Lalo yatang nangatog ang mga tuhod niya sa kaba. Ang mommy ni Leo ang una niyang nakita. May edad na ang babae at tila mama na rin ito ni Hendrick kung titingnan. Istrikta pa rin ang mukha nito kagaya ng huli niya itong makaharap sa Montemayor Cruise.


"Hello." Bineso siya nito. "My son is not here," sabi nito kay Hendrick kapagdaka.


Ipinagkibit-balikat naman iyon ng lalaki.


Sa sala ipon-ipon ang ilang bisita, hindi naman pala ganoon karami. Gayunpaman ay nakakailang pa rin lalo na ang mapanuring tingin ng mga ito sa kanya. Lintek naman kasi itong si Hendrick, ni hindi man lang sinabi sa kanya na doon sila dideretso ni hindi tuloy muna siya nakapag-ayos.


Nakita niya sa dulo ng may edad na mga bisita ang isang babaeng nakakulay puting Mona Liza dress, may hawak itong malaking pamaypay na kulay ginto. "Hija!" Noon niya nakilalang ito ang mommy ni Hendrick.


"H-Hello po..."


"I'm glad you came, hija..." Kahit puti na lahat ng buhok ni Donya Dorcas at mas mukha na itong lola ni Hendrick ay napakaganda pa rin nito. Aristokratang kagandahan na di mo aakalaing ganoon na nga ito katanda.


Naramdaman niya ang pagpisil ni Hendrick sa kamay niya na tila sinasabing mag-relax siya.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon