"WHAT's wrong, Hendrick?" Kinalabit siya ni Ava. Nasa conference room na sila.
Umiling siya.
"Come on! Kanina ka pa 'di-mapakali d'yan."
Nginitian niya lang si Ava na ipinagtaka naman nito. Well, lately ay nakasasanayan niya nang magngingiti. Kahit pa yata gumawa ng kalokohan ang lahat ng empleyado niya sa building na iyon ay hinding-hindi masisira ang mood niya. Kahit pa dapat na malungkot siya dahil umalis pa rin si Camilla.
Nahihiwagaang kinunutan siya ng noo ni Ava.
She couldn't blame him. Iba talaga sa pakiramdam ang magiging isa na siyang ama. Sa tuwinang sumisingit iyon sa isipan niya ay talagang napangingiti siya kahit pa nasa kalagitnaan siya ng isang seryosong meeting.
Bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang limang taong naka-corporate suit.
"Good evening, Mr. Montemayor!" Lumapit ang isa sa mga ito. Isang lalaking singkit at may katabaan.
"Good evening, Mr. Hiroshi." Malawak ang ngiting tinanggap niya ang pakikipagkamay ng kanyang half-Japanese board member.
"Parang may kakaiba yata sa 'yo ngayon," nananantiyang pansin nito sa kanyang good mood. "Kahapon ko pa napansin ang pagiging palangiti mo."
Hindi na siya nagtaka kung bakit kakaiba ang dating niya sa mga ito. Mula pa noon ay kilala siya ng mga ito bilang isang supladong CEO at may pagkaistrikto . . . but everything has changed mula nang matanggap niya ang balitang magiging daddy na siya.
Kahit sa sarili niya ay nagtataka siya. He used to be a cold and distant man. Hindi siya ngumingiti kahit kanino pa sa mga ito. Ang trabaho ay trabaho. He was always focused at kinangingilagan sa kanyang kapormalan.
"Yeah," sang-ayon ng asawa nitong si Mrs. Hiroshi na isa rin sa mga board. Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Bumata ka nang maraming taon. Bagay pala sa 'yo ang palaging nakangiti, hijo. "
Nakangiti at proud niyang sinagot ang mga ito. "I'm going to be a father." Pati mga mata niya ay alam niyang nakangiti na rin. So what? He wass happy.
"Wow! This calls for a celebration!" Napapalakpak ang ginang sabay baling sa iba pang members na pawang mga nakangiti rin.
"I'll invite you all sa church wedding namin."
"Aasahan namin iyan." Noon lang napansin ng mga ito si Ava na nasa likuran niya.
Ngumiti rin naman ang dalaga sa ilang board members na nandoon.
"Magandang-maganda ang takbo ng ilang negosyo mo,"ani Mrs. Adriada. Naupo na ang mga ito sa kanya-kanyang upuan na nakatoka sa mga ito.
Maging ang ibang board ay 'di na nakatiis na magkomento at magsalita. Minsan lang kasi sa mga ito na makakuwentuhan ang CEO sa mga bagay na nonwork related.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
General FictionWhat H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]