chapter 3: Detention

41 6 13
                                    

~Jasmin's POV~

Maaga akong gumising ngayon para 'di na ako malate at para na rin maka pag review sa darating namin na quiz.

"Teh una na ko sayo ah" Pagpapaalam ko kay ate Jennifer at tumango na lang ito dahil tamad magsalita kasi kakagising lang niya.

Naglakad na lang ako dahil sabi ni ate hihiramin niya daw muna yung kotse ko dahil nasira yung sakanya. Isa kasi siyang pulis at nung may hinahabol silang criminal ay walang available na mobile car, kaya yung sakanya yung ginamit niya kaya lang sa sobra niyang bilis mag drive ay naibangga niya yung kotse niya sa poste pero salamat at galos lang ang natamo niya na agad namang gumaling .

Malapit lang din naman yung school sa bahay namin kaya 'di na ko nagabala pang sumakay.

Habang naglalakad ako ay may nakabangga saaking lalaki.

Bakit ba ang malas ko at ako palagi ang nababangga ng mga tatanga tangang naglalakad?!!!

"Hoy! hindi  mo ba alam tumingin sa dinadaanan mo?!" Singhal ko sa lalaking mukhang lasing pa.

"Oh darling you look like an angel...wanna go to heaven with me?" Sabi nito sa akin at hahalikan na sana ako pero sinampal ko siya ng malakas.

"How dare you!" Sigaw niya sa akin at sasampalin niya na sana ako pero merong isang lalaking humarang at pinilipit ang kamay niya.

Pinagsusuntok niya ang lalaki at dahil sa dala ng kalasingan ay di siya makalaban at tumakbo na lang palayo.

"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sakin nung lalaki.

"Oo,salamat"

"Teka parang namumukhaan kita...aha! ikaw yung bago naming kaklase. I'm Ian Zabala, Jasmin Gomez,right?"

"Oo"

"Sabay na tayo" Sabi niya at wala na akong nagawa dahil hinawakan na niya ang kamay ko.

Habang naglalakad kami sa corridor ay napapansin kong may mga nagbubulungan at nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Ian.

"Mmm....Ian yung kamay ko baka gusto mo ng bitawan" Sabi ko sakanya at napakamot naman siya sa batok niya at nagsorry.

Habang papasok na kami sa room ay dinumog siya ng mga babae na may dalang mga chocolates at regalo,birthday niya ba?

Aiish bwisit 'tong mga babae na 'to, kung makatingin naman sa akin ng masama akala mo naman tinutunaw na nila ko,makaalis na nga.

"Oh Jasmin anjan ka na pala!" Sigaw sa akin ni Azumi na akala mo naman ay nasa gubat.

"kasabay mo pala si Ian ah...." Sabi sa akin ni Sherry na may halong pang aasar.

Ano bang meron kung sabay kami?,aiish ito talagang mga  toh.

"Birthday niya ba ngayon?,bakit ang daming nagbibigay ng regalo sakanya?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Hayys... siya lang naman kasi ang heartthrob at kinababaliwan ng mga babae dito sa school" Sabi niya habang kinikilig na nakatingin kay Ian.

Nabaling naman ang attention ko kay Natasha na parang hindi napansin ang pagdating ko.

"Anong ginagawa nun?" Tanong ko habang nginunguso si Natasha.

"Texting someone" walang ganang sagot ni Azumi.

"Sino naman?"

"Si Kiefer yung kaibigan ng kuya niya."

"Ahh okay" Maikli kong sagot at binuksan ko na ang notebook ko.

Magrereview na sana ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Ian.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon