~Nathan's POV~Sasabihin ko na ba na pinapatawag sila ng guidance councilor namin? Siguradong mala misa na sermon ang maririnig ko. Saka pagbibigyan ba nila ako sa hihilingin ko sakanila? Ah! Bahala na nga.
Pagkapasok ko ng gate namin nakita ko na ang kotse nila dad, nandito nga sila ngayon, hayys... Papaakyat na sana ako ng kwarto ko ng marinig kong may nagsisigawan sa kabilang kwarto.
"Hon! Hindi naman kita pinagbabawalan makipag relasyon sa Dianne na 'yun eh! Ang sa akin lang, wag kayong magpakita sa public at sa mga employees natin!" Galit na sigaw ni mom.
"Anong magpakita? It's just about the meeting! You're so paranoid!"
"May nagsabi sa akin na nakita daw niya kayo na naglalandian sa mismong office mo! Nakakadiri kayo! Ano? Will you denied it again?" Wala akong narinig na sagot mula kay dad hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagsampal kasabay ng hagulgol ni mom.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at pabalibag na binaba ang bag, sa susunod ko na lang sasabihin na pinapatawag sila. Sa sobrang galit ko pinagsusuntok ko 'yung pader,wala na akong pake kahit dumudugo na 'yung kamay ko.
Bakit ba ganito ang pamilya ko? Hindi nga kami broken family pero mas malala pa dun ang ipinaparamdam nila sa amin MAS masakit pa sa broken family ang nararamdaman ko. Ganyan na lang sila palagi, kung hindi namromroblema sa kompanya nagaaway.
Hindi ba pwedeng maging ayos muna kaming lahat kahit isang beses lang? Nung namatay si kuya wala silang prinoblema kundi ang kompanya, para ngang wala silang pake nung namatay si kuya eh. Tinawagan ko sila noon kaso nasa Paris sila kaya ayun mas inuna ang isang business namin dun, sa libing na lang sila naka punta. Hindi ko matanggap noon na wala na talaga si kuya kaya umalis ako noon sa hospital at kinabukasan na bumalik. Buti pa nga ang mga kaibigan ko nakiramay sa amin eh ang mga magulang ko? Tss, wala.
Magaling lang naman sila sa paghahanap ng magiging asawa ko, oo ASAWA, dati pa nila pinaplano ang kinabukasan ko at sa sobrang pagpla-plano nila sa future ko, nakalimutan na nilang pagtuunan ng pansin ang present ko, ni hindi pa nga kami nagkaka bonding eh. Kakain na lang kami pero kada magkakasama kami sa hapag kainan palagi na lang nila inoopen ang topic tungkol sa dapat akong matuto kung paano ang tamang pagpapatakbo sa kompanya, 'yun palagi ang tinatatak nila sa utak namin ni Natasha. Pag aaral, trabaho. Bata pa lang kami pina mulat na sa amin ang mundo ng business kaso lang wala talaga kaming interes dun. May kanya kanya kaming pangarap ni Natasha, but I guess our dream will stay as a dream and it will never come true.
Kahit isang beses lang gusto ko maramdaman kung paano magkaroon ng masayang pamilya, simpleng pamilya.
"Kambal! Kambal!" Pinunasan ko agad ang luha sa mata ko nung marinig kong kumakatok si Natasha. Fuck. Umiiyak na pala ako. Takte naman, nakaka bakla.
"Bakit?"
"Anong nangyari sa kamay mo?!" Tanong niya habang tinuturo ang kaliwang kamay ko. Itinago ko agad ito sa likod ko.
"Wala lang 'to. Nahiwa lang nung nagluluto ako"
"Weh, mukhang hindi naman hiwa 'yan eh, teka lang kukunin ko 'yung first aid kit"
"Wag na. Ako na mamaya. Bakit ka nga pala kumakatok?" Tanong ko at napunta ang tingin ko sa hawak niyang notebook. Parang alam ko na ang pakay neto...
"Hehe, pagawa ko lang 'yung assignment natin sa Math. Hirap kasi eh" Ngumiti siya, 'yung ngiting 'please'. Tss, sabi ko na nga papagawa 'to ng assignment eh, ayaw niya kasi ang subject na Math parang si Jasmin lang.
"Bakit kasi hindi ka magpaturo sa boyfriend mo? Kay Kiefer! Magaling 'yun sa Math" Pagkasabi ko nun bigla niya akong binatukan.
"Yah! Inaano ka ba?!"
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...