chapter 13: In only three minutes and four seconds

21 3 0
                                    

~Avon's POV~

"I think...na love at first sight ako sakanya" Tumingin lang ako sa sahig pagkasabi ko nun, nakakahiya kasi eh.

Huhu, for sure aasarin ako niyan ni kuya, kasi hindi naman ako ganito eh. Hindi kaya ako madaling mahulog sa isang tao lalo na kung kakakilala ko lang sakanya, marami ngang nanliligaw sa akin sa Canada pero wala sakanila ni isa ang natipuhan ko. Pero si Nathan, iba siya, hindi ko alam kung anong meron siya at pag nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kanina nga sa cafeteria halatang naiirita siya sa akin pero na cucute-an naman ako sakanya. Sa totoo lang maraming nagkakandarapa na lalaki sa akin at tumatabi kapag mag isa ako kumakain eh siya, mukhang ayaw niya pang sinabayan ko siya kumain kanina. Pag nagsusungit siya lalo lang siyang gumagwapo, 'yun ang type ko sa isang lalaki eh, ewan ba para na kong timang dito na kinikilig pag naaalala ko 'yung nag shake hands kami, ang lambot ng kamay niya.

"Are you out of your mind? Saka mai inlove ka na nga lang kay Nathan pa, alam mo naman na chickboy 'yun saka naikwento ko na sa 'yo na kaaway ko 'yun" Sus. Porket tinalo siya ni Nathan pag dating sa mga chicks, pinang iinitan na niya ng ulo.

"Kuya kung makapagsalita ka diyan parang 'di ka din chickboy ah"

"Ah! Basta! Ayokong makita ka na lumalapit sa ungas na 'yun maliwanag!?"

"Oh Ian, bakit mo nanaman pinapagalitan ang baby ko?" Hays, salamat at dumating din si mom. Kahit naiinis ako na tinatawag niya akong baby okay na din kasi kinakampihan niya naman ako haha.

"Yan kasing si Avon na love at first sight daw kay Nathan, tapos ilakad ko daw siya kay Nathan. Nababaliw na ata 'yang anak niyo, pag sabihan  niyo nga" Bad trip ka talaga kuya. Hindi ko naman siya pinipigalan magkagusto kay Jasmin, pero pag dating sakin sobrang pakiilamero.

"Anak, si Nathan Lee ba 'yung sinasabi ng kuya mo?" Paano nakilala ni mom si Nathan?

"Yes mom" Pagkasagot ko ay biglang lumawak ang ngiti ni mama. Ano kayang meron?

"Good. Mukhang hindi na kami mahihirapan i-pag date kayong dalawa"

"Huh?! Anong pinagsasabi niyo  mom?!" Sigaw naman ulit ni kuya. Sa totoo lang nabibingi na ko sakanya.

"Diba Avon sabi ko may ipapakilala akong sa 'yong lalaki at anak siya ng Amiga ko? Si Nathan 'yun" Nakangiti namang sambit sa akin ni mom. So ibig sabihin nun magiging kami na?! Whaa!!

"Oh my gosh mom! Really?! Payag na payag na ako" Tumalon talon pa ko niyan at eto naman si kuya nag walk out at pumunta sa kwarto niya. Tss ang kj.

Base kasi sa kwento niya sa akin nung nasa  Canada pa ako, inis na inis siya kay Nathan dahil nga pinagbibintangan siya na inagaw niya daw si Stella sakanya. Pero ngayon naman may bago siyang kinainisan kay Nathan at 'yun 'yung malapit daw sila Nathan at Jasmin sa isa't isa kaya ayun mukhang nagseselos.

Bahala nga si diyan basta ako sobrang saya ko ngayon dahil ang ipapa date sa akin ni mom ay ang lalaking gusto ko,hihi.

~Jasmin's POV~

Nakakainis talaga 'yung mokong na 'yun, pagbintangan ba naman na nagseselos ako sakanila ni Avon, asa naman siya.

"Sis! Baba na! Breakfast na!" Ang ingay naman ng boses ni ate parang nakalunok ng mega phone.

"Bababa na!"

Pagkabihis ko ng uniform ay bumaba na ako para mag breakfast at ang  swerte ko naman dahil niluto ni ate ang favorite kong ham. Yum! Gutom na ako.

"Ma, bakit ba ayaw niyo mag hired ng yaya? Para naman hindi lang ako palagi 'yung nagluluto" Reklamo ni ate kay mama.

"Napagusapan na natin 'yan Jen. Alam mo namang ayaw akong pagtrabahuin ng papa niyo, eh ayoko namang nakatunganga lang dito buong araw"

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon