~Nathan's POV~
Pagkarating ko agad sakanila Javis ay agad akong humiga at ginawang unan ang isa kong braso sa magara nilang sofa. Makikitulog muna ako dito sakanila dahil ayaw kong makita sila mom at dad dahil uuwi nanaman sila sa bahay mamaya. Sinabihan ko na si Natasha na sabihin kila mom na gumagawa ako ng project kila Javis at dito na ako matutulog, ibinilin ko na din na siya muna mag alaga kay Min Min, buahahaha! Natatawa parin ako sa pinangalan ko sa aso ko.
Buti na lang wala 'yung mga magulang ni Javis dito ngayon.
"Wow feel at home na feel at home ka pre ah" Sabi naman ni Xander na humiga din sa isang sofa. Kaming dalawa ngayon ang makikitulog kay Javis, si Xander kasi pinapagalitan ng parents niya dahil gumawa nanaman ng gulo sa school.
"Nag salita ang hindi" Sagot ko at tinanggap ang binigay na orange juice ni Javis.
"Masyado ka namang good boy Javis, juice talaga? Wala man lang beer?" Tanong ni Xander na sumisipsip na ng juice niya at binuksan na niya ang TV nila Javis at umupo ulit. Niyakap ko naman ang throw pillow at sumandal.
"Baka mamaya magkalat pa kayo dito pag nalasing kayo, ako pa mapapagalitan nila mama eh. Ano bang problema? Bakit ba dito kayo natulog ngayon?"
"PARENTS" Sabay na sagot namin at napa tango na lang siya.
"I see, 'yan naman palagi niyong problema"
"Nag tanong ka pa" Sarkastikong sabi ni Xander.
"Kasi 'di ako sumagot" Sarkastikong sagot din ni Javis. Naku, nagkaka asaran nanaman.
"Nathan, bakit 'di ka dun sa mansion niyo matulog?" Tanong nanaman ni Javis. Halatang ayaw niya kami dito matulog ah."Boring kasi" Tamad na sagot at saka sumipsip ng juice.
"Ikaw Xander, bakit hindi ka dun sa condo unit mo?"
"Baka pumunta pa dun si Athena, alam niyo naman 'yun obsess na obsessed sa akin. Saka baka pumunta din dun sila mama" Sagot naman ni Xander. Tss, chicks problem.
"Tapos dito kayo matutulog? Galing niyo ah! Sige na magluluto pa ako, hintayin niyo na lang. Nakakahiya naman kasi sa mga Buiseta ko" Sabi pa niya at kumuha na siya ng mga ingredients na pangluto. Umupo na lang kami saka pinanood siya.
"Alam mo na ba 'yung tungkol kanina sa school. Na patay na si Jacob?" Tanong ko kay Xander dahil absent siya kaninang umaga.
"Alam ko na. You know that I have many ears on our school. Sinabi na ng mga mada-daldal kong chicks ang tungkol dun, biruin mo 'yun namatay na ang gagong 'yun kahit na marami siyang galamay" Sabi pa nito habang namamangha.
"Sigurado akong malakas ang nakapatay kay Jacob" Napa tingin kami kay Javis na nag salita kahit nakatalikod siya.
"Paano ka naman nakakasigurado" Tanong ko at bahagya siyang natawa.
"Maimpluwensya ang mga magulang ni Jacob kaya walang naglalakas loob na kalabanin siya kahit pa ng mga teachers niya. He is a spoiled brat. Napansin niyo naman na matataas ang grado niya kahit na loko loko siya 'di ba? Kaya ang pumatay sakanya ay malakas ang loob and maybe malakas din ang influence" Sagot niya.
"Kaya lang, may idea ba kayo kung sino ang tao sa likod ng pagpatay na 'to?" Tanong pa ni Xander at isa lang ang naiisip kong may kayang gumawa nun.
"Devil Phantom" Sagot ko at kumunot ang mga noo nila.
"Huh? Paano naman magagawa ng Devil Phantom gang 'yun eh patay na nga si Jefferson?" Nagtatakang tanong pa ni Xander.
"Yes, their leader is already dead but they have their own hands and own feets. They can still kill people without the leader" Sagot naman ni Javis. Kaibigan ko nga talaga si Javis, naiintindihan niya lahat ng gusto kong ipabatid, hindi tulad ni Xander na sobrang inosente. Pero sa babae beterano.
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...