~Jasmin's POV~
Kaibigan? 'Yun talaga 'yung pagpapakilala niya sakin? Tss. Pagkatapos niya akong halikan? Saka sino namang nag sabi na kaibigan ko siya?! Kaaway ko kaya siya. Yes, tama! kaaway!
"Bakit nakasabungot 'yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Natasha. Nandito kami sa tambayan namin. Sa garden, at nakaupo sa bench.
Bakit nga ba pala ako nakasimangot? Wala dapat akong ikainis eh. Wala lang naman ang kiss na 'yun, aksidente lang. Pero 'yung lips niya talaga...ang lambot--BALIW, 'yan ang maitatawag ko sa sarili ko ngayon. Bakit ko pa kasi naiisip 'yung kiss na 'yun? Huhu. For sure trip niya lang 'yun, wala lang sakanya saka wala lang din naman sakin 'yun eh.
"Sinong nakasabungot ang mukha? Ikaw ba Sherry? Azumi?" Pagmamaang maangan na sagot ko.
"Wag na magsinungaling. Subukan mo kayang tumingin sa salamin" Sabi naman ni Sherry na kakarating lang at may bitbit na pizza.
"Pizza! Akin na lang 'tong isa ah!" Kinuha ko agad 'yung isang slice ng pizza saka sinubo. Isa talaga 'to sa comfort food ko.
"Don't change the topic. Bakit ka nga nakasimangot?" Nakakainis naman si Azumi! Ako nga hindi ko masagot 'yan eh!
"Wala lang. Nakasagutan ko lang si Stella" Hays, sorry Stella 'yan lang naisip kong dahilan eh.
"Huh?! Ano nanamang ginawa sa 'yo ng demonyitang 'yun?!" Biglang sigaw ni Natasha. Dalawang letra lang ang pwede kong i describe sakanya at 'yun ang OA.
"Natasha calm down, don't mind her"
"Azumi!" Nagulat kami ng may biglang tumawag sa pangalan ni Azumi. "May nagpapabigay sa 'yo oh" Sabi ng kaklase namin sabay abot sakanya ng tatlong roses saka chocolates at may kasama pang love letter.
"Sinong nagpapabigay?" Tanong ni Azumi habang nakakunot ang noo.
"I don't know. Hindi niya sinabi eh, alis na ko" Nagpaalam na siya saka umalis.
"Basahin mo na 'yung love letter!" Sigaw naming tatlo sakanya at binuksan niya na agad 'yung papel.
'Good morning Azumi. Siguro nagtataka ka kung sino ang nag bigay nito sa 'yo. Hindi ko 'to binigay ng personal kasi baka mamatay ka sa kilig haha. I think i don't need a sun now because your smile is enough to lighten my world♥'
-Mr. Handsome
"Wow! May secret admirer pala 'tong si Azumi ah..." Asar sakanya ni Sherry habang kinikiliti siya sa tagiliran.
"Magtigil ka nga Sherry! Pero sino kaya 'to?" Nagtatakang tanong ni Azumi habang bahagyang ipinilig ang ulo at nag isip.
Pero sa love letter palang masasabi mo na hambog ang nag sulat.
"Biruin mo ba naman! Sa ka-amazona mong 'yan may nagkagusto sa 'yo" Tawang tawang sabi ni Azumi. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at si Azumi naman mukhang umuusok na ang ilong sa galit.
"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan malamang wala na 'yang buhok mo sa ulo mo" Pagbabanta niya kay Natasha na tinawanan lang namin. Pikon talaga si bruha.
"You know, your secret admirer is so cheesy and full of air. Tara na nga" Aya ko sakanila at pumasok na kami sa first subject namin.
Pagkatapos ng ilang subjects ay nag ring na ang bell. Lunch time na! Gutom ako ngayon kasi hindi ako nag breakfast. No. Hindi ako kakain ng marami, inaasar na kasi ako ni ate na biik kahit hindi naman ako mataba. Hilig lang mang asar eh.
Nandito nanaman 'yung anim at hindi na bago samin na nakikisabay sila sa amin. Hindi na namin sila pinipigilang sumabay sa amin pag lunch kasi bihira na lang magsama sila Natasha at Kiefer. Nakakaawa naman kasi eh.
Tago 'yung relasyon nila kasi ayaw pa ng mga magulang niya at lalo na ng ni Nathan na makipag boyfriend siya. Saka close na kami ng mga kaibigan ni Nathan, kilala ko na ugali nila.

BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...