~Nathan's POV~
"Min Min?"
"Teka, bakit 'yan ang tawag mo sa akin?" Tanong niya pero inaya ko siya sa waiting shed at dun kami nag usap.
"Uy bakit nga 'yun 'yung tawag mo sa akin?"
"Sagutin mo ako. Ikaw ba yung babaeng ni-lock sa storage room noon?" Mukhang nagulat siya sa tinanong ko.
"Oo ,wait...ikaw ba yung nagligtas sa akin noon?, sa 'yo ba 'yung kwintas?" Tanong niya din.
"Oo. Picture ko at ni mom ang nasa pendant nito. Bakit pala nasa 'yo 'to?" Tanong ko habang pinapakita sakanya yung kwintas.
"Naiwan mo kasi 'yan noon. Naaalala mo nung tumakbo ka agad kasi sabi mo hinahanap ka na ni mommy mo? Nahulog mo 'yan"
"So,ikaw pala yung babaeng binibully" Nakangiti kong sabi sakanya. Sa wakas nakita ko na ulit siya at hindi ko alam na kaklase ko pala siya at siya si Jasmin. Destiny nga naman oh.
"Haha. Sa wakas nakita ko na din ang savior ko" Sabi niya habang nakangiti. "Alam mo,crush kita noon" Sabi niya na nagpapula ng posngi ko. Hayys, kalalaki kong tao namumula ako. Madaming nagkakagusto at nagkakacrush sa akin pero bakit nung nalaman ko kay Jasmin na crush niya ko namula ako? Siguro sadyang mainit lang ngayon. Tama!
"Pero dati 'yun. Huy! Baka sumabog ka na dahil diyan sa pamumula mo" Sabi niya pa habang tumatawa. Takte naman.
Obvious ba na namumula ako?!
"Tss. Asa ka. Dati crush mo ko pero ngayon mahal na?" Asar ko din sakanya.
"Duh! Di ka din assumero noh" Natatawang sabi niya.
"Pero crush din kita" Pagkasabi ko nun ay siya naman ang namula at natigilan. Nice move.
"Noon. Hahaha" Dugtong ko.
"Ha.Ha.Ha Nakakatawa dun?" Inis na sabi niya. "Pero bakit 'di na kita nakita noon pagkatapos mo kong iligtas?"
"Nilipat na kasi ako ni mom ng school"
"Ahh..." Tumango na lang siya sa sagot ko.
"Uwi na tayo, dumidilim na din. Nice to see you again Min Min" Sabi ko sakanya.
"Nice to see you again Than Than"
Habang nagda drive ako ay iniisip ko parin ang nangyari. Ang galing naman. Siya pala 'yung babaeng binully noon at niligtas ko.
Pagkauwi ko ay pinark ko na sa garage ang kotse ko at agad kong ikwenento kay Natasha 'yung nangyari kanina.
"Ano? Ibig sabihin ba nun siya yung babaeng niligtas mo noon?" Gulat na tanong ni Natasha.
"Oo at siya din yung kwinekwento ko sa 'yo na crush ko,pero noon 'yun"
"Wow. Yung niligtas mong babae ay kaklase mo pala ngayon, what a coincidence" Natawang sabi niya.
"I know, but the girl i met before is kind, 'di katulad niya na super sungit"
"Hayys,paano naman kasing hindi magsusungit sa 'yo yung tao eh kung makapang asar ka wagas" Tss. Ano pa bang aasahan ko sa kambal ko. Syempre kakampihan niya ang best friend niya.
"Ewan sa 'yo. Makatulog na nga lang" Sabi ko at habang naglalakad ako sa hagdan ay may sinabi siya.
"Baka naman naiinlove ka na sakanya dahil siya 'yung babaeng niligtas mo ah!"
"Asa ka pa!"
~Jasmin's POV~
Pagkauwing pagkauwi ko ay sinermonan na ako nila mama at papa. Hayys good mood yung tao tapos sermon ang bubungad sa akin?,huhu.
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...