chapter 11: Music room

17 3 0
                                    

~Nathan's POV~

Nakakainis! Pinairal nanaman ni Xander ang pagka playboy niya. Makakindat kanina kay Jasmin wagas. Buti na lang lumamig ang ulo ko kanina sa library. Akala siguro ni Jasmin 'di ako gising kanina, saka yung kamay niya ang lambot pala.

Natigilang na lang ako sa pag iisip ng may bumato sa akin ng unan. Bwisit talaga 'tong kapatid ko oh. Panira.

"Hey! Can't you hear me?! Bakit abot hanggang tenga 'yang ngiti mo?"

"Teka, bakit ka ba nandito?"

"Baba ka na daw sabi ni mom. Dinner na"

"And don't do that" Pahabol niya pa sabay turo sa akin. Problema nito?

"Huh?"

"Smiling like a crazy. It's creepy" Sagot niya saka um-acting na natatakot.

"Yah! I'm not smiling! Bumaba ka na nga susunod na ako" Hayys, buti bumaba na.

Tss. Ngumingiti ba ako? Posible bang ngumingiti ako ng hindi ko napapansin? Siguro Natasha is right. I'm creepy, makababa na nga lang.

Habang kumakain ako ay biglang nagsalita si mom.

"Yung kwinekwento pala namin sa'yo Nathan, yung anak ng business partner namin, kakauwi niya lang kahapon galing sa Canada. Bukas na siya lilipat sa school niyo" Heto nanaman tayo eh. Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong interest sa sinasabi nilang babae?

Nagbago na kaya ako. Noon porke sexy saka maganda at may gusto sa akin, kami na agad, play boy ako kumbaga. Pero 'di ko alam kung bakit nagsawa na ako sa mga babae. Siguro walang thrill? Masyado kasi silang easy to get. Ang gusto ko sa babae yung hard to get saka palaban at medyo may pagka masungit.

"Mom, how many times do i have to tell you that I don't want to meet that girl?"

"Nathan, you have to meet her whether you like it or not"

"I. Don't. Like. That is my final answer. Akyat na ako, nawalan na ako ng gana"

"Wag mong sagutin ng ganyan ang mommy mo. Bumalik ka dito" Utos sa akin ni dad pero 'di ko na lang pinansin.

Nakakabanas na, promise.

~Ian's POV~

"Gising na! Tanghali na! Baka ka daw ma late sabi ni mama" Bulyaw sa akin ng magaling kong kapatid.

"Ano ba! Kitang natutulog pa 'yung tao eh!"

"Hindi ka ba marunong tumingin ng oras? 8:00 na oh" Sabi niya sa akin habang tinuturo 'yung wall clock sa kwarto ko.

"Oh 8:00 palang pal-- what?! Bakit 'di mo agad ako ginising?!" Gulat na tanong ko sakanya sabay takbo sa Cr para maligo.

Mabilis akong nagbihis saka bumaba agad kahit hindi pa ako nag susuklay para mag breakfast.

"Ngayon pala lilipat ng school 'to mom noh?" Tanong ko kay mom.

"Yes. Samahan mo siya, baka maligaw pa 'yan" Bilin nila sa akin pero alam ko namang hindi siya sasabay sa akin at gagamitin lang ang motor niya.

"Mom! Don't treat me like a baby. I can handle my self, hindi ako maliligaw. Ayokong sumabay diyan, magmomotor na lang ako" Sabi ko na nga eh.

"And kuya, fix your hair. It's so messy. It doesn't suit you, parang dayami 'yang buhok mo. Alis na ko" Naiiritang sabi niya. Wow! Siya pa ang nairita ah eh siya nga 'tong mapintas.

"Umalis ka na nga kung aalis ka! Hindi 'yung mamimintas ka pa!" Sigaw ko sakanya na tinawanan niya lang saka kinuha ang helmet niya at umalis.

Tss. Kung makapintas naman wagas. Pero hindi ko ba bagay ang messy hair? Hindi ba ako mukhang hot? Magsusuklay na nga lang ako at baka hindi magustuhan ni Jasmin ang ayos ko.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon