~Nathan's POV~
"Asan na kasi ang sinigang mix dito?" Tanong ko sa sarili ko habang tulak tulak ko ang cart.
Medyo marami rami ang pinapabili ni tita Marry kay Jasmin, at ang babae naman na 'yun inutos sa akin lahat eh siya naman ang na pag utusan ng mama niya.
Ayun! Nakita ko na sa wakas ang sinigang mix, kumuha ako nun at tinignan ang listahan kung ano pa ang mga bibilhin at piattos na lang at bread ang natitira. Tss, dinagdagan pa kasi ng mga chichiria ni Jasmin, ang takaw niya sa chichiria pito ba naman ang pinpabiling piattos at malalaki pa.
Kumuha na ako ng tasty bread saka piattos at inilagay 'yun sa cart. Naghintay pa ako dun na bumalik si Jasmin dahil pagod na din ako sa pagtutulak ng cart, kahit well-built at maganda ang katawan ko ay napapagod din 'to noh. Nainip na ako kaya hinanap ko na siya.
Hinanap ko si Jasmin at wala naman siya sa meat section. Naglakad lakad pa ako at nakita ko na din siya, tatawagin ko pa lang sana ng makita ko siya...kasama si Ian. Bakit naman niya kasama ang Ian na 'yun? Aiish! Malamang may date sila, pero kung mag da-date sila sana naman nasabihan nila ako para hindi na ako sumama mag grocery dito at naistorbo sila.
"Mind to explain to me
Mr. Fanboy kung bakit mo sinabi 'yun kahapon?" Tanong ni Jasmin habang paabot na sa Mars ang taas ng kilay niya.Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba but curiosity killing me. May nagsasabing makinig lang ako sakanila.
"Hindi mo talaga ako titigilan hangga't hindi pa nasasagot ang mga tanong mo Ms. Fangirl ah"
So, they have their terms of endearment already? How sweet...but cheap. Mr. Fanboy and Ms. Fangirl? Sounds bad.
"Bakit mo sinabing nililigawan mo ako kahit hindi naman?" Tanong ni Jasmin. I gasped.
Hindi talaga nililigawan ni Ian si Jasmin?! Pero bakit sabi niya kahapon... Aha! Nagpapanggap lang silang dalawa. Pero bakit tinatanong pa ni Jasmin kung bakit sinabi ni Ian 'yun? Si Ian lang siguro ang nagpanggap at walang alam si Jasmin.
"Kaya ko lang naman sinabi na nililigawan kita para maiwasan mo na din si Nathan. Akala mo ba hindi ko napapansin na nilalayuan mo siya? Tuwing magkakasalubong kayo sa hallway o kaya sa corridor ay iniiwasan mo siya ng tingin. Buong klase hindi mo siya kinakausap kahit kinakausap ka na niya, obvious ka kasi masyado Jasmin eh, kaya nahalata ko, saka isa pa kasama ko kahapon sila Mike para mag Starbucks nga kaso lang nakita kita na mag isa at nilapitan ka ni Nathan at ng kapatid ko. Nilapitan ka ng isang 'COUPLE' na mukhang nag da-date pa kaya ayoko lang magmukha kang loner. Am I done answering 'your question Ms. Gomez?"
Gusto kong matawa dahil buong akala ni Ian ay kami ng kapatid niya, ang galing ko talagang aktor. Pwede na siguro akong mag artista tutal mukha naman akong artista, hindi ba niya napapansin na naiirita ako kay Avon simula pa lang ng una? Tapos kakakilala ko pa lang sakanya ay naging kami na? Ganun ba ka gunggong si Ian para hindi mapansin? Gusto ko talagang matawa pero di ko magawa dahil sa inis. Bakit kailangan niya pang mangialam sa mga bagay bagay where he's not involved?
"Kahit na, dapat hindi mo na sinabi 'yun dahil hindi naman totoo" Tama Jasmin, mali ang magsinungaling.
Iistorbohin ko na sana sila dahil nangangawit na ako dito kakatayo kaso lang kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad ng magsimulang magsalita si Ian.
"Pwede bang totohanin?"
"Anong totohanin?" Naguguluhang tanong ni Jasmin. Parang alam ko na kung san tutungo ang usapan nila...
"Totohaning ligawan ka. Hindi ka naman siguro manhid para hindi mahalata na gusto kita 'di ba?" What the--
Totoong liligawan niya si Jasmin?! Ano namang nagustuhan niya kay Jasmin?! Ang ingay ingay kaya nun saka masungit pa. For sure paglalaruan niya lang si Jasmin, kaya niya lang sinasabing liligawan niya para mahulog ito sakanya, gusto niya kasi lahat ng babae magkandarapa sakanya. Wala pang sineryosong babae si Ian, kahit si Stella, ang babae para sakanya ay parang damit lang. Papalit-palit.
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Ficção Adolescente"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...