chapter 15: Jefferson is dead

18 3 0
                                    

~Jasmin's POV~

Tinignan ko 'yung wall clock sa sala namin at 11:30 na pala. Gabi na. Bakit ba kasi wala pa si ate? Ang tagal niya umuwi ah, habang naghihintay ako dito lalo lang akong kinakabahan. Sasabihin ko ba kay ate o hindi? Kasi for sure magagalit lang 'yun pag narinig niya nanaman 'yung sasabihin ko, bakit ba kasi sobrang galit siya kay Jeff?

Saksi siya sa paghihirap ko noon, kung paano ako nasaktan at kung paano ako umiyak nung iniwan ako ni Jefferson at sinisi niya din 'yung sarili noon, inisip niya  na siya 'yung dahilan ng break up namin ni Jeff. Aaminin ko, sinisi ko talaga siya noon at nagkaroon ako ng galit sakanya dahil siya 'yung totoong mahal ni Jeff.

Naalala ko tuloy nung mga panahong kami pa, lagi siyang dumadalaw dito sa bahay at magkasundo naman sila nila mama at papa. Nakakatuwa nga na nalagpasan niya 'yung mga pagsubok sakanya ni papa para maging kami, nanligaw siya noon at kahit takot siya kay papa kasi sabi niya wala siyang kinakatakutan pag dating sa akin.

Pag nasa bahay siya, siyang 'yung naghuhugas ng pinggan, nagluluto at sumasama siya sa pag gro-grocery kila mama at sinasakyan niya din lahat ng trip ni papa kaya siguro madali silang nagkasundo.

Paano malilimutan ng utak ko 'yung masasayang alaala namin kung pilit na inaalala ng puso ko ang 'yun? Gaya na lang ngayon, naalala ko nanaman nung first anniversary namin.

1 year ago...

"Hoy Jeff! Asan na ba tayo? Sabi mo kakain lang tayo sa labas tapos may pa piring piring ka pang nalalaman"

"Ssh...malapit na tayo babe" Sabi niya habang inaalalayan niya akong maglakad. San ba kasi kami pupunta? Naiinip na ako ah, pero at the same time kinikilig kasi may pa surprise nanaman siya sa akin.

"There you go. Now, open your beautiful eyes" Sabi niya na ginawa ko naman. Tinanggal ko 'yung naka piring sa akin at kunurap ako ng konti, napanganga na lang ako sa mga nakikita ko ngayon.

Nakatayo kami ngayon sa park at nakatayo sa mga kandilang nakakorteng isang heart at 'yung mga puno pinapalibutan ng maraming lights na kulay red at 'yung mga puno may mga nakasabit na lobo at sa lobo na 'yun may mga papel at may nakasulat. Meron namang isang table at dalawang upuan tapos dun nakahain 'yung pagkain at may kandila pa sa gitna ng table.

Wow lang talaga! Paano niya nagawa lahat ng 'to? Ang ganda, sobra at parang naiiyak na ako. Lumapit ako sa isang puno kung saan nakasabit 'yung mga sulat at binasa ang 'yun.

'Alam mo, talo mo pa ang isang clown kasi hindi mo na kailangan magsuot ng nakakatawang damit para lang matuwa ako kasi makita lang kita abot langit na ang ngiti ko'

'You are the best thing that's ever been mine'

'Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side'

'I never wanted to be anything, other than to be your everything'

'You have no idea how good it feels to wake up every morning, knowing you are mine and i am yours'

'Nung nagustuhan kita dun ko nalaman kung anong ibig sabihin ng salitang kuntento, pero ng mahalin kita nalaman ko na din kung anong ibig sabihin ng salitang sobra. Mahal kita, and you are more than enough'

Paunti unting tumulo 'yung mga luha ko sa pisngi ko. Binasa ko pa rin 'yung natirang sulat kahit na nanlalabo na 'yung paningin ko, 'yung isang sulat 'yung pinakamalaki at sa lobo siya nakasulat.

'I love you Jasmin Gomez and i promise to you that i will stay by your side forever and ever and ever'

Pagkatapos kong basahin lahat ng 'yun ay hinarap ko siya at nagulat siya ng makita niyang umiiyako.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon