~Nathan's POV~
"Avon Zabala?!" Napa sigaw tuloy ako sa gulat. As in si Avon 'yung anak ng business partner nila dad? Grabe talaga. Pero pabor din naman sa akin na siya ang ka date ko eh, at least alam kong wala siyang gusto sa akin at wala siyang balak na maging girlfriend ko.
"Oh...magkakilala na kayo ng anak ko? Good" Sabi ng mama niya habang naka ngiti sa akin saka sila umupo sa harap namin.
Bakit parang hindi ko mabasa ang kung anong expression ngayon ni Avon? Wala lang siyang kibo. Siguro nga ayaw niya din sa date na 'to, mabuti nga at 'di na ako mahihirapan sa pagpupumilit nila mom at dad dahil pati ang anak ng business partner nila ay ayaw din sa akin.
"Opo, Mrs. Zabala. Kaibigan ko siya" Sagot ko naman sakanila.
"Don't call me Mrs. Zabala, just call me tita magiging boyfriend ka na din naman ni Avon eh" Sabi naman nila sa akin kaya napa inom ako ng tubig na nasa ibabaw ng table namin.
"Mama wag kayong excited" Sabi sakanya ni Avon at tinawanan lang siya ng mama niya.
Um-order na sila ng pagkain at nag usap about business matters, business dito, business diyan. Narinig ko pa nga na mag i-invest daw ng malaking halaga ang papa ni Avon sa Company namin at eto naman sila dad tuwang tuwa.
"Buti naman at magkakilala na kayo ng anak nila Mr and Mrs. Zabala kaya hindi na kayo mahihirapan sa pagkilala sa isa't isa" Sabi sa akin ni dad. Tss.
"Oo nga, baka mamaya marinig na lang namin na engaged na kayo" Dagdag ni mom na nag paubo sa akin. Ang awkward talaga nito.
"So, narinig ko kay Ian na ikaw ang valedictorian sa class niyo simula grade 7. Ang talino pala ng anak niyo Joel" Sabi ng dad niya. Wow lang ha, talagang matalino at gwapo ako noh at walang binatbat sa akin ang Ian na 'yun.
"Thanks for the compliment po" Sagot ko naman sa kanila.
"And gwapo pa, no wonder na nagus--" Hindi natuloy 'yung sinasabi ng mama ni Avon kasi siniko siya ni Avon sa gilid niya. Ang malas ko talaga, palaging hindi natutuloy ang sasabihin ng kausap ko.
"Iiwan na namin kayo dito ng anak ko, enjoy your date" Sabi sa akin ng mama niya saka siya kumindat kay Avon.
"Kami din, aalis na kami at marami pa kaming gagawin sa office. Son, behave okay, don't do something na ikakagalit namin" Seeyosong sabi sa akin ni dad at nakahinga na ako ng maka alis sila.
Namayani ang katahimikan between me and Avon. Hindi siya nagsasalita at pinaglalaruan lang ang daliri niya, hindi siya makatingin sa akin. Nabibingi na ako sa katahimikan kaya binasag ko ito.
"Avon, may problema ba?"
"Ahh, wala. Nakakahiya lang kasi mommy" Sabi niya at ngayon naka tingin na siya sa akin.
"Haha 'yun pang pala eh. Buti ikaw 'yung pina pa date nila sa akin at alam kong ayaw mo din sa akin, so problem solve, alis na ko ah may pupuntahan pa kasi kami ng mga kaibigan ko" Naka ngiting sabi ko sakanya at aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso ko.
"Why don't we try it? Wala namang mawawala" Natigilan ako sa sinabi niya. Anong try? Baliw na ba siya?
"Huh?" Napa upo ako ulit.
"Wala namang mawawala pag pinag bigyan natin ang parents natin na maging tayo 'di ba?" Hayys, baliw na nga siya, naiirita na ako ah.
"Naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo? Look i don't have any feelings towards you" Nakakunot noong sagot ko sakanya at napa yuko siya.
"Please? Magiging mag boyfriend and girlfriend lang naman tayo eh, hindi tayo magpapakasal" Sabi niya at naka tingin siya sa mata ko. Bakit niya ba pinipilit?

BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...