chapter 14: First encounter

15 2 0
                                    

~Jasmin's POV~

Hays, hindi ako makatulog kahit anong gawin kong pwesto. Andyan niyakap ko pa 'yung unan ko habang nakatagilid, dumapa, tumihaya pero wala parin eh. Ayaw akong dalawin ng antok ko at dahil 'to kay Nathan.

Ayos na kaya siya? Loko kasi talaga 'yun eh!, hindi man lang nagpasama sa mga kaibigan niya nung nakipag suntukan siya dun kila...Jacob, Jacob ba pangalan ng adik na 'yun? Ah oo tama, 'yun 'yung sabi ni Kurt kanina eh.

Ang galing niya kanina makipaglaban, biruin mo 'yun napatumba niya ang sampung adik na 'yun sa loob lang ng three minutes and four seconds. Pero kahit na, dapat tumawag na lang siya ng pulis kanina hindi 'yung nakipaglaban pa siya, ayan tuloy nagkapasa pa siya sa mukha.

Gising pa ba siya? Matawagan nga, wait baka tulog na 'yun. Aish bahala na nga.

Tatlong beses ng nag ring pero hindi parin niya sinasagot. Ibababa ko na sana pero biglang may sumagot sa kabilang linya.

"Hot boss speaking..." Tss kapal din talaga ng mukha niya eh.

"Hot boss mo mukha mo"

"Bakit ka napatawag?" Napagdesisyonan mo na ba na gusto mo ng part 2 ng kiss natin?" Hays, kainis talaga siya, pinipilit ko na ngang kalimutan 'yun eh huhu.

"Loko ka! Hindi! Gusto ko lang tanungin 'yung...'yung sugat mo kamusta na pati 'yung pasa mo?"

"Aww...concern talaga sa akin ang slave ko oh. Pero wag ka na mag alala malayo naman sa bituka 'to eh haha"

"Yuck! Concern mo mukha mo! Saka hindi ako nag aalala ah, nakokonsensya lang ako kasi dahil sa akin kaya ka nagka pasa" Hays wag niya sana bigyan ng meaning 'yun.

"Asus kunwari ka pa diyan eh. Bakit nga pala gising ka pa?"

"Kasi hindi ako tulog? Eh ikaw bakit gising ka pa?" Pasarkastikong sagot ko naman. Hindi talaga kasi ako makatulog eh.

"Pilosopo. Kumakain pa kasi ako, hindi kasi ako makatulog eh" Haha takaw din pala netong lalaking 'to eh, pero I wonder kung bakit ang sexy ng katawan niya--hayss ano naman 'tong pinagsasabi ko!

"Ahh, same tayo"

"Kantahan na lang kita para makatulog ka" Luh! Pinagsasabi nito?!

"Huh?! Ayoko nga"

Tumanggi ako pero wala din akong nagawa kundi ang makinig sa boses niya. Ang ganda kasi eh. Kinanta niya 'yung Buko by: Jireh Lim

"Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago itaga mo sa bato dumaan man ang maraming pasko kahit na 'di mo na abot ang sahig kahit na 'di mo na ako marinig ikaw parin...ang buhay ko..."

Unti unti na din akong nakatulog habang nakalagay parin ang cellphone ko sa tenga ko at pinapakinggan siya.

**

"Pa asaan po si mama?" Tanong ko kay papa na nanonood ng wrestling. Ano kaya mapapala nila sa panonood ng wrestling? Tss.

"Nag gro-grocery kasama 'yung ate mo"

"Ahh, aalis po ako saglit ah. Ipapasyal ko lang si Mik Mik"

"Ok, umuwi ka ng tanghali ah"

"Yes pa"

Kinuha ko na si mik mik at dinala sa park at sakto namang may ibang mga aso pa na naglalaro.

"Tsk, tsk. Mik mik come to mommy" Tinawag ko na din siya dahil may nakita akong ice cream. Whaa! Ice cream sa umaga, yummy.

Umupo ako ulit sa bench na inuupuan ko kanina at pinaglaro ko pa si mik mik habang kumakain pa ako.

Habang kumakain ako ng ice cream biglang nag ring 'yung phone ko. Sino kaya 'to? istorbo naman sa pagkain!

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon