chapter 5: My Slave

25 7 8
                                    

~Nathan's POV~

"Jefferson Valdez?!" Sigaw ko ng makita ang isang litrato habang sila naman ay nakakunot ang noo.

"Kilala mo ang leader nila?" Tanong sa akin ni Kurt habang nakakunot ang noo dahil naguguluhan.

Mas nagtataka ako ngayon kung sino ang sinsasabi nilang leader,si Jefferson ba?,imposible namang maging gangster siya dahil noon ay isa lamang siyang nerd na palaging binubully ng mga kaklase namin.

Isa siya sa pinakamatalik na kaibigan namin ni kuya noon. Nakilala namin siya sa back building, nakita kasi namin siyang binubugbog ng dalawang lalaki kaya sinaklolohan namin siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay business partner pala ni Dad ang Papa niya,so dun,lalo kaming naging close.

Classmate ko siya mula grade six hanggang grade eight pero grade eight na ako ng maging kaibigan ko siya and then afters two years,pagkatapos ng pagkamatay ni kuya nawalan na kami ng balita tungkol sa kanya at sa pamilya niya.

Umalis siya nung panahong kailangan ko siya.Umalis siya kung kailan kailangan ko ng masasandalan.Umalis siya kung kailan kailangan ko ng karamay at kaibigan.

"Oo, kaibigan namin siya ni kuya noon, kaya lang pagkamatay ni kuya bigla siyang nawala at ang pamilya niya. Siguro nangibang bansa, tumakas sa kasalanan niya. Pero leader?" Naguguluhang tanong ko sakanila.

"Oo,siya ang leader ng Devil Phantom gang" Sagot sa akin ni Kurt na nagpatayo sa mga balahibo ko.

Devil Phantom gang,Devil Phantom gang...,parang pamilyar sa akin ang pangalan ng grupong yun ah, aiishh!, please utak gumana ka naman!

Ang mabait at ininuturing na namin na kapatid ni kuya turns into a leader of that fucking Devil Phantom gang?!

Ang daming  mga tanong ang gumugulo ngayon sa isipan ko at naghalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Galit dahil naalala ko nanaman kung paano namatay si kuya, gulat dahil nakilala ko na ang pumatay kay kuya na matalik na kaibigan pala namin.

"Yan naman sila Christian,Grey,Carlo,Bryan,at Jason,mga kagrupo niya" Sabi sa akin ni Xander habang isa-isang itinuturo ang mga pictures na hawak ko.

"Pito din sila?,Venom Striker vs Devil Phantom,wow! exciting 'to ah!" Manghang manghang sigaw ni Javis.

Hayys kahit kailan talaga may sira ang ulo ng isang 'toh,hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging kaibigan.

"Baka 'di natin sila kayanin, balita ko marami na silang napatumbang gangs" Wika ni Drake at ramdam ko ang pagkabahala sa boses niya.

"Oo nga, tignan mo nakapatay na sila at yun pa ang kuya ni Nathan" Pagsang ayon ni Xander at 'di ko alam kung bakit ako napangisi sa mga sinasabi nila. Mukhang minamaliit nila ang kakayahan namin.

"Bakit?,sila lang ba ang may kayang pumatay?" Tanong ko sakanila habang nakangisi.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa akin ni Xander na ngayon ay naguguluhan parin.

"Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila kay kuya" Madiin kong sagot sakanila.

Ang ngisi ko ngayon ay napalitan na ng galit habang naaalala ko kung paano namatay si kuya.

Flashback...

"Oh ganito ang plano ah, alam mo naman na ang pinaplano ko dahil narinig mo na habang kinakausap ko ang girlfriend ko sa phone. So ipapaalala ko lang. Bago dumating si Natasha dapat nakahanda na yung mga handa at may decoration na 'tong bahay saka dapat makapag celebrate na kayo bago ang birthday niyo kasi alam mo naman si mommy, parang siya ang may birthday dahil puro business partners at kaibigan niya ang invited" Sabi sa akin ni kuya na mukhang excited pa kaysa sa amin na birthday celebrant.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon