chapter 2: Statue

50 6 25
                                    

~Jasmin's POV~

nagsusulat ako ng pinapakopya ni ma'am ng mapansin ko na sinasagi ako ni Nathan na nagsosorry lang kapag sinasamaan ko siya ng tingin.

Ng sobrang nainis na ako dahil sakanya napasigaw na ako.

"Ano ba?! nananadya ka ba?!"

"Huh?! nagsosorry na nga ako kasi 'di ko sinasadya 'diba?"

Pinalagpas ko na lang yun dahil ayoko ng ma stress pa,pero pag napuno talaga ako sa mokong na toh...Amph!!

Itinigil ko na ang pagsusulat dahil tinatamad na ako. Matutulog na sana ako ng biglang sinangga niya ang kamay ko ng napakalakas.

"ANO BA HINDI NAMAN KITA INAANO AH!!!" Sigaw ko at buti na lang ay wala na si ma'am.

"This is your payment for calling me  monkey" Inis niyang sambit.

"Haha but it's true" Sabi ko sabay belat sakanya.

Pero sa totoo lang gwapo siya,matangkad,may dimples saka maputi, kaya nga lang pangit ang ugali. Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung pangit naman ang ugali 'diba.

Mag sasalita pa sana siya pero dismissal na. Umalis na ko agad at di na pinatapos ang sinasabi niya.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria may tatlong babae ang lumapit sakin magaganda sila at mukang sosyal pa umarte.

"So you're the newbie right?" Tanong sa akin nung babaeng nasa gitna nilang tatlo.

"Yes,why?"

"Sumama ka saamin" Sabi nito sa akin at agad akong hinila ng dalawa niyang kasama.

Nagpupumiglas ako para makawala sakanila kaya lang ang higpit ng pagkakahawak nila sakin. Binitawan na lang nila ako ng makarating na kami sa Cr ng mga babae.

"Ano bang kailangan niyo sakin?!" Sigaw ko sakanila.

"Isa lang naman ang kailangan ko sayo,yun ay ang layuan mo si Nathan. Nakita kita kanina na kinakausap mo siya, ano yun feeling close?" Pagtataray niya sa akin.

"Ano namang paki mo kung kinakausap ko siya?,saka sino ka ba?" Paasar na sagot ko sakanya at mukang nainis siya kaya sinabunutan niya ako.

"Ako lang naman ang reyna sa Royal Academy na ito at  girlfriend ni Nathan" Madiin niyang sambit saakin habang nakahawak parin sa buhok ko.

Napangisi na lang ako sa sinabi niya.

"Anong nginingisi ngisi mo?" Inis niyang tanong.

"Ano 'to?!,palasyo?,let me remind you that you are living in reality not in fantasy!" Singhal ko naman sakanya.

Sasampalin niya na ako ng biglang may humawak sa kamay niya na tatlong babae.

"Subukan mong gawin 'yan at kami ang makakalaban mo" Sabi nung isang babae.

"I'm not afraid to you" Sabi naman ng sasampal sakin dun sa babae.

"Really?,even if I post this video?" Pagbabanta naman nung babae sakanya habang pinapakita ang video niya na sinasabunutan ako.

"Whatever!, I'm Stella Rouger and this is Amanda and Celeine,remember our name,kami dapat ang katakutan niyo at hindi pa tayo tapos.Gagawin kong impyerno ang buhay mo dito." Pagbabanta niya sa akin saka umalis na sila agad.

"ikaw yung bago sa section namin diba?,Jasmin Gomez right?" Tanong niya sa akin.

"Yes and you are?"

"I'm Natasha Lee ,ito naman sila Azumi Marquez at Sherry Galivo."

"Thank you pala sainyo kanina ah"

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon