~Nathan's POV~
Hayys isang boring na umaga nanaman...
Naalala ko nanaman yung kagabi.Sino kaya yung sumigaw ng pangalan ko?,may nakasunod ba sa amin kahapon?,ewan! makaligo na nga lang.
Habang naglalakad ako papuntang CR napatingin ako sa salamin.
"Whoa! ang gwapo mo talaga Nathan" Sabi ko sa salamin sabay kindat.
Gumaganda naman talaga ang umaga ko pag nakikita ko ang sarili ko sa salamin.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko bumaba na ko para mag breakfast,pero si Natasha lang ang nakita ko na nakatutok pa sa phone niya. Sanay naman akong wala palagi sila daddy at mommy dahil tutok na tutok sila sa trabaho,baka nga nakalimutan na nilang may mga anak pa sila dahil sa tingin ko ay yung Company na ang anak nila.
Mga isang beses lang sila umuuwi sa isang linggo at minsan ay hindi pa dahil sa business trip.
"Oh,nasaan si manang Flor?" Tanong ko sakanya habang pumupungay pa ang mata ko.
"May sakit daw yung anak nila kaya pinauwi ko muna" Sagot niya sa akin habang nakatutok parin siya sa phone niya.
Sino kayang ka text netoh?
"Sino yan?" Tanong ko habang sinisilip ang phone niya pero bigla niya lang tinago.
"Ah...kaibigan ko,sige pasok na ko"
"Sige sinabi mo eh...."
Pagkatapos kong kumain umalis na din ako agad.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Jasmin,lalapitan ko na sana siya ng may biglang sumabay sakanya.
Ghad! si Ian nanaman!
Nung naglalakad sila biglang natalisod si Jasmin dahil natanggal yung isa niyang shoelace.
"Oh Jasmin saglit lang, ako na" Sabi nito sabay lumuhod ng bahagya at itinali ang shoelace ni Jasmin.
Hayys, pinapairal niya nanaman ang pagka hokage niya.
"Jasmin!" Tawag ko sakanya.
"Bakit?" Iritang tanong niya sa akin.
"Diba mamaya na yung long quiz sa Math?"
"So?" Pasungit na tanong niya nanaman sa akin.
Bakit ba palaging masungit sa akin ang babaeng 'to?,aiish buti nga kinakausap ko sya eh yung ibang mga babae na nagkaka crush sa akin halos sumayaw na para lang mapansin ko sila.
"Pwedeng pahiram ng reviewer mo?"
"Hindi" Mabilis na sagot niya saka umalis na.
Bakit pag ako ang hihiram sakanya ayaw niya?, pero bakit pag si Ian nakangiti pa siya habang nagrereview? Tss walang wala sa kalingkingan ko yang Ian na yan.Mas gwapo pa kaya ako sakanya.
"Yung sa akin,gusto mong hiramin?" Nakangising tanong sa akin ni Ian.
Wag mo kong simulan.
"No thanks" Sabi ko saka iniwan ko siya na parang timang na tumatawa.
Such a crazy jerk.
Buti na lang nakapag review ako kagabi.
"5,4,3,2,1,ok ballpens up and exchange paper at the back" Sabi samin ni ma'am Ferrer na agad naman naming ginawa.
Pagkatapos naming mag check ay inerecord na ni ma'am ang score namin.
"Jasmin Gomez?"
"30 ma'am"

BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Teen Fiction"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...