~Jasmin's POV~
"Mang Danny, baka po nangangalay na kayo gusto niyo ako na mag drive?" Tanong ko sakanila habang nakangiti ako. Sana naman pumayag sila huhu.
Tumingin sila sa rear view mirror at umiling.
"Bawal po ma'am" Hayys...
"Please po. Pleeeesssee" Pagmamakaawa ko habang nag pu-puppy eyes pa ako. Ngumiti sila, it means oo?!!
"No. Wag na po kayo makulit, ako pa mapapagalitan ng mama niyo eh" Sabi niya at napa buntong hininga na lang ako.
Maya-maya nakarating na kami sa harap ng school at sabi sa akin ni kuya Danny susunduin na lang daw nila ako mamayang uwian. Tss, pwedeng namang ako na lang ang umuwi mag isa gamit ang kotse ko eh.
Medyo late na nga ako dahil nandito na ang sir namin sa Music and Arts
"Bring out one fourth sheet of paper. You will having a quiz after my discussion" Sabi ni sir at saka pasimple ako na pumapasok sa pinto sa likod para 'di nila ako mapansin.
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ng... "Ms. Gomez, anong ginagawa mo? Bakit nakayuko ka?" Nagulat ako kasi napansin pa rin nila ako.
"Ah wala po sir, masakit lang po 'yung leeg ko" Palusot ko at buti na lang naniwala sila. Umupo na ako sa upuan ko dahil lahat nanaman ng atensyon nila nasa akin.
"Ang galing ng schedule mo ah, second subject ka na pumasok, may sarili kang schedule?" Pang aasar naman ni Nathan. Tss, parang hindi naman siya na la-late eh.
"Oo meron, bakit may angal ka?" Sagot ko naman at humarap na ako kay sir para makinig sa lecture.
"So, a section view is a view used on a drawing to show an area or hidden part of an object by cutting away or removing some of that object..." Nag patuloy sila sa pag di-discuss at nakinig naman ako ng mabuti. Maya Maya nagpalabas na nga sila ng one fourth sheet of paper at nag pa quiz.
"This is the kind of arts where you can see the front view, top view and right side view" Nasa last number na kami at buti alam ko din ang answer.
Nag check na kami at ibinigay na sa akin ang papel ko tapos ni-record na ni sir, kainis lang got all ko na sana pero nakalimutan ko 'yung letter C sa isometric. Hayys, sayang.
Tumunog na 'yung bell at lunch na, mukhang 'di makikisabay sa amin 'yung pito ngayon kaya nauna na kami nila Natasha, Sherry, at Azumi sa cafeteria.
Habang kumakain kami nakasimangot ako kasi sayang eh! Got all ko na sana, huhu.
Nagulat na lang ako ng sumulpot sa harap namin sila Xander, Kiefer, Drake at Nathan.
"Oh akala ko 'di kayo sasabay kumain?" Tanong ni Sherry sakanila.
"Na miss ko lang agad si love eh" Sweet na sabi ni Kiefer kay Natasha. Tss, walang poreber! Joke.
"Hahaha, pero kakahatid mo lang sa akin kanina ah" Sus, kilig naman si Natasha oh. Hehe ako ang kinikilig sakanila, kaso naiinis pa rin ako.
"Mawala ka pa lang kasi kahit isang segundo sa tabi ko miss na kita agad" Sagot naman ni Kiefer sakanya at halatang namumula si girl.
"Ako din, na miss ko agad si Azumi" Pagkasabi nun ni Drake naibuga agad ni Azumi 'yung kinakain niya.
"Hahaha yiee kinikilig siya" Asar nanaman ni Drake " Wag ka masyadong kiligin, baka mahimatay ka"
"Hoy Jejemon! Nakita ko kasi 'yang mukha mo kaya nasuka ako!" Sigaw ni Azumi, tsk, tsk war nanaman 'to.
"Bakit naka simangot ka Jasmin?" Tanong ni Xander habang kumakain. Hindi ko na lang siya sinagot at nagpa tuloy na lang ako sa pagkain.
"Kasi kulang ng isang letter 'yung sagot niya sa quiz namin kanina Hahaha! San ka nakakita ng spelling sa isometric isometri haha" Tawang tawa na sabi ni Nathan, psh! Siya nga anim ang wrong niya eh. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Novela Juvenil"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...