~Jasmin's POV~
Kahit sabado ngayon maaga parin akong nagising. Hindi parin mawala sa isip ko 'yung nangyari kahapon. 'Yung sinabi ni Ian.
"Haha hindi pa, kasi nililigawan ko pa lang siya"
Aiish! Ang Ian na 'yun! Pagkatapos ng mga pinagsasabi niya kahapon, inihatid niya lang ako sa bahay ng hindi man lang pinapaliwanag kung bakit niya sinabi na nililigawan niya ako. Sa pagkakaalam ko wala naman akong pinapayagan na manligaw sa akin, dahil study first ako at gusto kong makalimutan muna si Jeff. Marami talagang ipapaliwanag sa akin ang fanboy na 'yun.
"Anak, bakit ang aga mo ata nagising ngayon?" Gulat na tanong ni mama. Si mama talaga akala mo may nangyaring himala porket maaga lang ako nagising.
"Wala lang ma. Tulungan ko na kayo magluto" Kinuha ko ang sandok na hawak niya at ako ang nag prito ng mga ham at hot dog saka ako na ang nagpatuloy nung niluluto nilang toasted bread.
"Naku, ang baby ko magluluto, ano namang nakain mo?" Ang aga aga nang aasar nanaman sila.
"Kaya nga po ako magluluto para may makain 'di ba?" Sarjastikong sagot ko sakanila pero binatukan nila ako.
"Ouch naman!" Huhu, kakagising lang eh, batok agad almusal ko.
"Haha, bilisan mo na diyan at papasok pa sa trabaho ang ate mo" Sabi nila saka dumeretso na sila sa sala para manood.
Nilagay ko na sa dining table lahat ng pagkain at hinainan ko na sila.
"Huy sis! May himala ata at nagluto ka ngayon" Hayys, parehas lang sila ni mama.
"Ate, magkakaroon lang ng himala kapag tumaas na ang ranggo mo" Haha ayan may pang back fire na ako sa pang aasar mo sa akin ngayon.
"Tss, tataas din ang ranggo ko kapag nahuli ko na ang mga gangsters na 'yun" Sabi niya sabay subo ng hotdog. Bigla siyang tumikhim.
"Mukhang 'di ako makakapag almusal ngayon" Saka niya binaba ang tinidor niya.
"Bakit? Masama ba ang lasa?" Nubayan! Minsan na nga lang magluto palpak pa.
"Hindi lang masama, pangit pa"
"Ate grabe ka namang makalait sa luto ko! Edi wag kang kumain!" Tss, nagluto na nga ako nagrereklamo pa siya.
"Oh ayan nanaman kayong magkapatid, mag aasaran tapos mamaya may mapipikon" Saway sa amin ni mama.
"Haha joke lang sis, medyo nasunog mo kasi 'tong hotdog eh. Itong ham na lang kakainin ko" Ayan, takot din kasi si ate kay mama.
"Ma, asan nga pala si papa?" Wala naman kasi silang trabaho pero ang aga pa lang ngayon wala na sila agad.
"Ah, nag apply dun sa isang Company na ni referred sakanya ng tito Randy mo"
"Okay"
"Alis na po ako, mag iimbistiga pa kami. Bye!"
"Bye! Good luck diyan sa case na hawak niyo!" Sabi ko at nginitian lang niya ako.
"Oo nga pala ma, wala namang pasok ngayon kaya ipapasyal ko po si Mik Mik" Pagpapaalam ko kay mama na hirap na hirap kagatin ang toasted bread na niluto ko. Epic talaga huhu.
"Okay, pagkatapos mo bumili ka ng pang sigang sa grocery ah. Ulam natin mamaya"
"Sige po. Una na ako"
Nagbihis na ako at hinawakan si Mik Mik sa kadena niya.
"Mik Mik! Papasyal ka ni mommy ngayon dahil hindi ako busy"
BINABASA MO ANG
The Leader of Gangsters
Fiksi Remaja"Jasmin!,tumakbo ka na,bilis!" Sigaw nito habang patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig niya. "Nathan,hindi kita iiwan,kaya tara na." Gun or pen? School or Jail? Heart or mind? To be sorrowful or to smile? Lahat ay nakaayos na sa lalagyan, lahat ay p...