chapter 24: Killer

19 2 0
                                    

~Jasmin's POV~

"Haa..." Napaunat ako habang naghihikab. Lunes nanaman, I hate Monday!

Niligpit ko muna ang higaan ko at dumeretso na sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Pagkababa ko ay nandun na sila ate at mama pero as usual wala pa si papa kasi naghahanap pa ng trabaho.

"Morning ate, morning ma" Bati ko sakanila at dumeretso ako sa dining table.

"Morning" Sabay nilang bati sa akin.

"Ma! Bakit wala 'yung paborito kong bacon?!" Tanong ko at lumipat ang tingin ko kay ate na sarap na sarap sa kinakain niyang corned beef.

"Ako naman ngayon ang nag request, panay bacon na lang ang kinakain mo. 'Di ka pa ba nagsasawa?" Tanong ni ate sabay subo ng kanin.

Love ko ang bacon, hate ko ang corned beef. Love niya ang corned beef, hate niya ang bacon. Magkapatid talaga kami noh.

"Whatever" Wala na akong nagawa kundi kumain.

"Ayan nanaman kayong magkapatid... Tama na 'yan. Ma la late na kayo" Saway naman ni mama.

"Alis na po ako" Pagpapaalam ko at lumabas na si Mang Danny at kinuha na niya ang bag ko, sabay pinasok sa loob ng kotse.

Natulog pa muna ako ng ilang minuto.
.
.
.
.
.
.
.

"Jasmin...Jasmin...gising na" Nagising na ako at nasa tapat na pala kami ng school. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na ako sakanila.

Pagkarating ko pa lang sa loob ng school ay may nakita na akong mga nagkukumpulan na estudyante. Lumapit ako dun at napatakip ako sa bunganga ko ng makakita ako ng isang lalaking naka handusay na puno ng pasa  at may mga natuyo ng dugo sa kanyang katawan.

"Sinong may gawa niyan?" Tanong ko kila Natasha na nasa gilid ko.

"Hindi ko alam, pero grabe naman sila! Mukhang pinahirapan niya pa 'tong lalake bago pinatay" Sagot niya habang nakatakip din ang ilong dahil masang sang na ang amoy ng lalaki.

Parang nakikilala ko siya kaya lang hindi ko maalala kung saan ko siya nakita, basta alam kong kilala ko siya sa mukha.

"Sino naman ang may kayang gawin 'to?" Sabi ni Sherry na mukhang natatakot na dahil dito sa school namin namatay ang taong ito at siguro ay nasa paligid lang ang killer o kaya dito din siya nag aaral or...Ewan! Basta nasa paligid lang siya.

"Walang puso. Walang puso lang ang may kayang gumawa niyan" Naiiling na sabi ni Azumi.

"Oh, alis diyan, alis diyan!" Saway sa amin ng ilang pulis at umusog naman kaming lahat.

Chineck nila ang katawan nung bangkay at kung may mga gamit ba siya na pwedeng makapagturo sa pamilya niya at may nakita nga sila, isang cellphone. Binuksan nila ang screen at buti walang password kaya nakita nila ang contacts nung lalake at nahanap nila ang number ng magulang nito. Agad nilang tinawagan ang parents nun saka nila binuhat ang bangkay na mukhang dadalhin na sa morgue.

Pagkaupo ko pa lang ay narinig ko na si Nathan na may kausap sa phone, maririnig ko naman talaga dahil katabi ko lang siya saka medyo malakas ang boses niya.

"Ah oo...digital na talaga ang karma," Natatawang sabi ni Nathan. "Sobrang angas niya kasi, ayan tuloy nakahanap ng katapat...kaya lang sa tingin mo, sino kaya ang pumatay kay Jacob? Sigurado akong malakas siya dahil napatumba niya ang lider ng Black Dragon gang..." Sagot niya pa sa kabilang linya.

Lalo akong nagulat. Tama! Siya 'yung humarang sa akin bubble tea store na may kasamang mga lalake, pero bakit parang maraming alam si Nathan sakanila? Bakit alam niyang isang gang sila? Siguro marami sila kaya ganun.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon