chapter 7: Savior

22 3 0
                                    

~Nathan's POV~

Kanina pa ako gulong ng gulong dito sa kama ko pero bakit ayaw parin maalis sa akin ang guilt?!

Buti na lang Friday ngayon at pwede akong matulog kahit na buong araw. Pero dahil sa letcheng konsensya na 'to di ako nakatulog kagabi dahil kakaisip kay Jasmin.

Ayos lang ba siya?

Ano kayang nangyari sakanya?

Bakit siya nahimatay kahapon?

Dahil ba sa ginawa ko?

"Aiishh ewan!" Sigaw ko at ginulo ang buhok ko. Nakaka stress na kasi eh!

"Nathan!,may naghahanap sayo!" Sigaw ni manang Flor mula sa baba.

"Andiyan na po" Sagot ko pero hindi ako bumaba.

At dahil sa tinatamad ako tumayo ay tinawagan ko na lang si Natasha para paakyatin yung humahanap sa akin at alam ko naman kung sino ang mga 'yun. Sa boses pa lang nila.

~Natasha's POV~

"Oh kayo pala,pasok kayo" Sabi ko sakanila habang pinagbubuksan sila ng gate.

"Hi Natasha" Bati sa akin ni Vincent habang nakangiti at napansin ko na kumunot ang noo ni Kiefer at mukhang naiirita.

Hayys kahit kailan talaga napaka seloso ng lalaking 'to.

"Hello. Andun nga pala sa taas si Nathan" Sabi ko sakanya at nginitian din siya.

"Mga pre dito muna ako. Uupo lang ako saglit medyo masakit kasi ulo ko" Sabi ni Kiefer at umupo na sa sofa.

Hayy naku. Alam ko na nasa isip nito, mukhang 'di naman masakit ang ulo baka mainit lang.

"Sige,akyat na kami" Sabi naman ni Drake saka pumunta sa kwarto ni Nathan.

"Love, para 'san 'yang simangot na 'yan?" Paasar na tanong ko sakanya.

"Para sa inyo ni Vincent" Walang ganang sagot niya sa akin.

"Don't tell me nagseselos ka?" Tanong ko nanaman kahit alam ko na ang sagot. Ang cute niya lang kasing asarin.

"Ako? nagseselos?,bakit naman ako magseselos?,dahil dun ba sa "Hi Natasha?" Pasarkastikong sabi niya habang ginagaya ang ngiti ni Vincent.

Hahaha confirm!,nagseselos nga ang mokong.

"Hayys...nagseselos ka nga. 'Lika nga dito" Sabi ko sabay hila sakanya at hinalikan siya sa pisngi pero nakanguso parin siya na parang bata.

"Bakit 'di na natin kasi sabihin sakanila?" Nakangusong tanong niya sa akin.

"Kung alam mo lang Kiefer gustong gusto ko na sabihin kay Nathan. Kung pwede nga lang ipagsigawan ko na sa buong mundo, eh hindi pwede. Magkaibigan kayo ni Nathan at ayaw kong masira ang pagkakaibigan niyo"

"Bakit ba kasi sobrang protective ng Kapatid mo?, sige na nga love akyat na ako dun baka maghinala pa sila"

"Pupunta pala ako kila Jasmin ah, dadalawin ko lang, nahimatay daw kasi siya kahapon" Pagpapaalam ko sakanya pero bigla siyang umiling at may binulong pero sapat na para marinig ko.

"Loko kasi 'yang kambal mo"

"Ano?"

"Ah wala. Sabi ko ingat ka,kamusta mo na lang ako kay Jasmin" Sagot niya saka umakyat na.

Ang weird niya ngayon ah,ano kayang nangyari?

~Nathan's POV~

"Siguro galit na galit na ngayon si Jasmin sa 'yo. Baka kapag pasok mo sa lunes panay pasa na 'yang mukha mo" Natatawang sabi sa akin ni Kurt habang kumakain ng pop corn. Nanonood kasi kami ng movie.

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon