chapter 27: Bad Plan

12 0 1
                                    

~Jasmin's POV~

"Ano po 'yun ma?" Tanong ko at umupo ako sa tabing sofa na kinauupuan niya.

"Nahihilo ka pa ba? Huh? Hindi ka naman kasi nag iingat eh!" Sabi ni mama na halatang nag aalala sa akin.

"Ma, natamaan lang ako ng bola kanina, hindi ako nahimatay. Kaya wag kayo oa diyan" Natatawang sagot ko na lang sakanila.

"Walang nakakatawa. Akala mo hindi ko alam ang mga pinag gagawa mo sa school niyo ah. Mukhang binubully ka nanaman, sabihin mo sa akin, binubully ka ba nung Stella huh?! Sabihin mo kung anong address ng batang 'yun at ng maka usap ko ang mga magulang niya!" Sigaw ni mama at akmang tatayo na pero hinwakan ko siya sa braso para pigilan.

"Ma, hindi naman po niya ako binu bully at saka nagalit lang po siya sa akin nung nakaraan dahil natapunan ko po siya ng juice. Ako po ang may kasalanan, kaya wag na po kayo diyan magalit. Ayos lang po ako" Sagot ko sakanila sabay ngiti. Kahit kailan talaga si mama oa pag dating sa amin ni ate. Haha.

Kaya nga ako lumipat ng school dahil nalaman ni mama na binu bully ako ng iba kong kaklase dun sa previous school ko. Sinabi sakaniya nung kaibigan ko kaya ayun na high blood sila at agad agad na inayos ang pag transfer ko.

"Sigurado ka ba? Mamaya may tinatago ka nanaman sa amin ng papa mo huh. Ngayon pa lang mag sabi ka na" Sabi ni mama sa nag aalalang tono.

"Wala po mama. Saka sino bang nagsabi sa inyo niyan?" Mukhang alam ko na kung sinong nag sumbong sa akin kay mama.

"Sila Natasha. Wag ka magagalit sakanila, ako ang nagtanong. Basta sabihin mo sa akin pag may nam bubully nanaman sayo"

Sabi ko na nga eh. Hayys, ang dadaldal talaga ng mga 'yun.

"Okay. Ma, lutuan niyo naman ako ng kare-kare, kakainin ko pag gising ko mamaya. Pleaseeeee..." Sabi ko habang nag pu-puppy eyes. Hehe, gutom na ako eh kaso lang pagod din ako.

"Hahaha! Takaw mo talaga. Oh siya sige, magpahinga ka muna. Sigurado kang okay ka lang?"

"Hayy, ang kulit ni mama. Ok lang talaga ako. Akyat na po ako" Sagot ko sakaniya sabay halik sa pisngi niya.

Pagka akyat ko agad sa kwarto ko ay itinapon ko agad ang sarili ko sa kama, pero may nasagi akong isang medium size na box pero heart shape siya. May tumapon na pictures mula dun. Pinulot ko 'yung mga pictures at pinagmasdan.

Picture ko 'to nung bata pa ako at may kasama akong lalakeng bata din, pareho kaming naka peace sign, may naka sulat sa likod nung picture. Kaso ang labo

'First picture with my crush'

'Yan 'yung naka sulat dun. Mukhang sulat pa ng bata dahil magulo ang pagkaka sulat. Sino kaya 'tong lalakeng 'to? Bakit 'di ko siya matandaan?

May isa pang picture. Kami nanaman 'to at bumuo kami ng heart sa kamay namin habang naka ngiti sa may camera, may naka sulat nanaman sa likod ng picture at binasa ko 'yun.

'J ♥ J. Second picture with my best friend'


Huh? J ♥ J? Ako ba ang nag sulat nun? Saka sinong best friend?

Dahil nga sa inaantok na ako ay itinago ko na lang 'yun at inilagay sa drawer ng study table ko at natulog na ako.
.
.
.
.
.

"Oh teh, mukhang haggard na haggard ka nanaman" Sabi ko sa kararating lang na ate ko na agad umupo sa sofa at tinanggal ang tali sa buhok.

"That fuc--" Magmumura pa lang sana siya ng tignan na siya ng masama ni mama.

"Yung kainis kasi na gang na 'yun! Wala pa kaming lead kung saan ang kuta nila dahil palipat lipat sila! Bakit dun pa kasi ako nai toka ni Chief eh! Nakaka losyang!" Pagrereklamo ni ate at pumunta na sa dining table sabay kuha ng pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Leader of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon