I want to dedicate this chapter to kittyandwhitty dahil sa pagvo-vote sa halos lahat ng chapters nitong story thank you 😘😍
Natasha~
"Mommy where are we going?"-binalingan ko naman si Clinton sa harapan namin hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa anak namin dahil tong Ama niya wala namang sinasabi kung saan kami pupunta
Basta ang alam ko lang nakasakay kami sa karwahe at bihis na bihis,hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil kahit anong tanong ko kay Clinton hindi niya ako sinasagot.It's either iibahin niya ang pag-uusap namin o hindi niya ako papansin.At napansin ko din na parang sumama ang mood niya,nakapoker face na naman kasi siya.
Binalingan ko naman si Tyler na abala sa pagmamasid saming dalawa ng Ama niya
"Ask your Dad,Baby"-tapos mukhang nagmindlink ang Daddy niya sa kaniya at humagikgik siya ng tawa.Tinignan ko naman si Clinton pero abala siya sa pagbabasa ng isang libro tsk.Nagmindlink ako sa kaniya pero parang wala lang siyang narinig deadma.Binaling ko na lang ang atensiyon ko sa labas ng bintana ng karwahe.Maraming bampirang namamasyal,nasa labas na kasi kami ng palasyo.Napangiti ako ng makakita ako ng mga batang bampirang kumakaway sakin.I gave them my sweetest smile and wave back at them,mula rito rinig na rinig ko ang hagikgikan nila.Namula ako bigla kong maalala ko ang mga sinabi ni Dianne na baka daw masundan si Tyler,npatingin ako kay Clinton na abala parin sa pagbabasa ng libro.Hindi naman imposible na mangyari yon,pero baka hindi pa ngayon ang tamang panahon.Simula kasi ng mangyari yon,yong tungkol sa mangkukulam napag-isip-isip ko na baka kung mabuntis ako baka malagay lang sa kapahamakan ang magiging anak namin ni Clinton,pero kung sakali man na mangyari ang bagay na yon.Hindi ko naman hahayaan na masaktan o mapahamak ang magiging anak namin at sa tingin ko ganun din ang gagawin ni Clinton.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na napangiti si Clinton,dahil baka sa malamang nabasa niya na kung ano ang laman ng isip ko kaya ganyan.Napangiti na lang ako at binalingan si Tyler na abala na sa pagmamasid ng mga tanawin sa labas.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang ayos namin ngayon at kung bakit ang gagarbo ng mga suot naming damit.Clinton is wearing his Royal Suit,yong kapareho ng mga suot ng mga may dugong bughaw sa mga pelikula at talaga namang bumagay sa kaniya pero ang isang detalye lang ang hindi isakto sa suot niya yong wala sa ayos niyang buhok,but I still think that it's suits him well at si Tyler ganun din ang pagkakaiba lang nila ng Ama niya eh sa kaniya maayos ang pagkakaayos ng buhok niya,habang ako naman heto,nakasuot ng puting saya na punong puno ng palamuti,hinayaan ko lang na nakalugay ang hanggang sa beywang kong buhok.
"Natasha"
"Ano yon ?tinatawag mo ko Clinton?"-napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.At nagtatakang tinignan ako,ibinababa niya din ang hawak niyang libro at humalukipkip at tinignan ako ng diretso sa mga mata.
"What are talking about? maybe you're just imagining Natasha comeback to your senses"-seryosong sabi niya.Ako naman ang napakunot noo narinig ko talagang may tumatawag sa pangalan ko.I shifted my gaze to Tyler pero mukhang nag-eenjoy na siya sa mga nakikita niya sa labas ng karwahe namin at mukhang hindi naman galing sa kaniya ang boses at hindi rin kay Clinton.Ang tanong ngayon eh kanino nanggaling ang boses at sino yon?
"We're almost there"-napatingin ulit ako kay Clinton ng marinig kong sinabi niyang malapit na kami sa pupuntahan namin.Sinilip ko ang labas ng karwahe at nakita kong papasok na kami sa isang bayan at halatang may pagdiriwang na ginaganap ngayon,buhay na buhay kasi ang buong paligid.Maraming mga mangangalakal na nagbibinta ng kani-kanilang produkto sa mga mamamayan sa bayan na ito.At may mga antique na mga boutique at mga pamilihan ang nagkalat sa paligid.Marami ding nagsasayawan sa paligid dahil sa mga nagtatanghal,yong classic music pa yong pinapatugtog.
BINABASA MO ANG
Vampire's King Obsession
VampireHighest rank achieved: 25 in Vampire Beauty What is beauty?Is it something you cannot just see in the person's physical appearance?What is beauty?Is it just having a pretty face but having a wicked attitude? Or it is having a beautiful face and a g...