~Natasha~
"Hindi maaari ang naiisip mong paraan Natasha, kung ibabalik natin ang nakaraan at kung una kong makikilala si Edmund kesa kay Clinton at tanggapin agad ang pag-ibig niya.....
Napatingin ako sa mahal na dyosa ng nakakunot ang noo. Bakit hindi niya masabi? pinagkatitigan ko siya ng maigi at halata talaga ang pag-aalinlangan sa kulay asul niyang mga mata. Naguguluhan ako, kinakain ako ng aking kuryusidad, ata't na ata't akong malaman kung ano man ang sasabihin niya.
"Speak up Almaria--- bahagya kong siniko si Clinton na ngayon ay nasa tabi ko na pala ng, walang kaanu-ano'y sumabat siya sa usapan na'min ng dyosa.Minsan talga tsk tsk pinapairal niya talaga ang pagiging bastos niya. Binalingan ko na lang ulit ang mahal na dyosa at alanganin siyang nginitian. Gano'n din ang ginawa niya, bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin niya sana kanina.
Napatangu-tango naman ako, hindi pwedeng ibalik ang nakaraan dahil baka... ay hindi, maaaring hindi na kami magkakaroon ng pagkakataong magkakilala ni Clinton at mag-iba ang tadhana na'ming dalawa.
"Ay kabayong buntis!!" - natigil ako sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari noong mga oras na, sinubukan na'ming talunin ang sumpa dahil sa....
"Clinton?? Honey??"- hindi ko alam kong ano magiging reaksiyon ko, kung, maiinis ba ako sa ginawa? o matatawa ako sa itchura niya ngayon. Nakabusangot kasi siya hahaha at may suot-suot siyang koronang eh?? Koronang gawa sa iba't-ibang uri ng bulaklak.
Nagkatinginan kaming dalawa at kahit sino sa'ming dalawa walang umimik. Ang tanging nag-uusap lamang sa mga oras na 'yon ay ang aming mga mata.Iritado siyang napaungol ng matumbok ko kung sino ang may pakana noon, kung bakit nakapagsuot siya ng ganyang klaseng korona.
"Yeah, it's your daughter, Margaux is the one who made this"- sabay turo sa koronang nakapatong sa ibabaw ng ulo niya.Ang cute lang hahaha kaya, hindi ko napigilan pa ang sarili ko at pinanggigilan ang dalawang pisngi niya.
"Shiiittt! mashakit!!"- tatawa-tawa kong pinakawalan ang dalawang pisngi niyang nalamog na ata sa panggigigil ko, habang siya naman nakatingin sa'kin ng masama. Napangiti ako ng may biglang pumasok na pilyang ideya sa isipan ko hahaha. Ipinulupot ko ang dalawang braso sa leeg niya at hinila siya papalapit sa'kin, at walang pag-aalinlangang siniil ng halik ang kaniyang mga labi. Mukhang nagulat pa siya dahil doon sa ginawa ko pero, mayamaya lang naramdaman ko na lang ang pagngiti niyasa pagitan ng halikan na'ming dalawa.Tinugon niya na rin ang mga halik ko.
Noong iminulat ko ang aking mga mata, hindi ang nakabusangot na mukha ni Clinton ang nasaksihan ko kundi ang Clinton na ang tamis tamis kung ngumiti.A kala ko hahalikan niya ako noong dumungaw naman siya papalapit sa'kin pero may ibubulong lang naman pala siya.
"You're forgiven Sweetheart and I love you. Mahal na mahal kita, Natasha"
Napangiti ako sa narinig, bahagya pa akong nagulat dahil sa bahagya niya pa akong itulak ng marahan papalayo sa kaniya. Nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya, dahil sa inalis niya ang koronang nakapatong sa kaniyang ulo. Napakurap-kurap pa akong nginitian niya ulit ako ng pagkatamis-tamis katulad ng ginawa niya kanina.
"This" *sabay tingin doon sa koronang hawak niya at tingin sa'kin* "this doesn't suit me"- ngingiti-ngiting pahayag niya pa, mayamaya lang mas lalo akong napangiti sa sunod na ginawa niya. "This suits you, to my one and only gorgeous Queen"- isinuot niya kasi sa'kinang koronang suot-suot niya kanina, at tila ba tuwang-tuwa siya sa nasaksihang suot ko na ang koronang ginawa ni Margaux.
BINABASA MO ANG
Vampire's King Obsession
VampirHighest rank achieved: 25 in Vampire Beauty What is beauty?Is it something you cannot just see in the person's physical appearance?What is beauty?Is it just having a pretty face but having a wicked attitude? Or it is having a beautiful face and a g...