Chapter 23

5K 117 12
                                    

~Natasha~

"But you cannot do anything about it.Cedric, Natasha is my mate you know that"-tila nanggigil na sabi niya,agad ko naman inangkla ang braso ko sa braso niya.

'Calm down Honey..'

Natahimik bigla si Cedric at naglakad papalayo

"I'm sorry brother but I love her so much at babawiin ko siya sayo"-pagkatapos niyang sabihin yon bigla na lang siyang naglaho.Napatulala na lang ako sa mga pinagsasabi ni Cedric.Nahihibang na ata siya,naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mga braso ni Clinton sabeywang ko at inisubsob ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"Damn that guy!"-rinig ko na lang na nagmura si Dianne ng ilang ulit.

"Hmm Kamahalan pwede bang makausap ang Mahal na Reyna?"-napatingin ako sa gawi ni Dianne seryoso siyang nakatingin sakin pero itong si Clinton eh walang imik at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa beywang ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pinili ng magkasalita.

"Hon...let me go mag-uusap lang kami ni Dianne"nag-aalinlangan pa siya pero napangiti ako ng dahan-dahan niyang pinakawalan mula sa pagkakahawak niya ang beywang ko.Hindi na nagsayang ng oras si Dianne at agad akong hinila,dinala niya ako kung saan kami naligo ng nakaraang gabi kung saan ko niya---mas mabuti pa sigurong kalimutan ko na yon.

"Cedric loves you, Natasha"-yon agad ang binungad niya sakin.Pero naguguluhan talaga una akong minahal ni Cedric kesa ni Clinton. Anong ibig sabihin non eh ang natatandaan ko at natitiyak ko na hindi pa kami nagkita ni Cedric ng mga panahong nasa mundo pa ako ng mga tao.

"Dati rati magkalapit na silang dalawa ni Clinton at Cedric,noong na pa lang pasaway na talaga yang si Ced..ang tigas ng ulo lagi niyang
sinusuway ang hari na wag pumunta sa mundo ng mga tao pero talagang hindi talaga marunong makinig si Ced sa pinag-uutos ng kanilang Ama"-napahinto siya sa pagkukwento at huminga ng malalim pinili kong manahimik dahil gusto kong malaman ang nangyari sa pagitan nila ni Ced..at Clinton.

"Dati rati magkalapit na talaga silang magkakapatid. At noong simula pa lang talaga mahilig ng magpabalik-balik si Cedric sa mundo ng mga mortal kaya wala ng nagawa si Clinton kung hindi pagbigyan ang nakakabatang kapatid sa nais nito.At mula nga noon pasekretong sumasama si Clinton kay Cedric sa mundo ng mga mortal at malamang ikaw ang dahilan noon"

Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Clinton anim na taong gulang pa lang ako noon,naligaw ako sa may park habang namamasyal kami ni Tita.Nilapitan niya ako at binigyan ng ice cream para matigil ako sa kakaiyak at tinulungan niya din ako na hanapin ang Tita ko pero si Clinton lang ang nakita ko hindi ko nakitang may kasama siya o kasama niya si Cedric.Kaya bakit ganon bakit hindi ko manlang nakikita si Cedric?Kung ako ang dahilan kung bakit sila nagpapabalik balik sa mundo ng mga tao.

"Pero Dianne ang naalala ko eh si Clinton lang ang nakikita at nakakasalimuha ko noong nasa mundo ako ng mga tao"

"Hindi ko masasagot ang bagay na yan"-magsasalita pa sana siya ulit pero natigil kami sa pag-uusap nang biglang

"Sweetheart?"-sabay kaming napalingon ni Dianne kay Clinton nakangiti siya habang nakalahad ang isang kamay niya sakin."Let's go"-dagdag na sabi pa niya walang pag-aalinlangang inabot ko naman ang kamay niya at nilingon si Dianne at nagmindlink sa kaniya.

'Maybe next time Dianne'

'Yeah next time Asha'

Parehas kaming napangiti naabutan namin si Luke na kumakain ng eh??mansanas?Saan niya naman nakuha yan?

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon