Chapter 30

4.1K 96 1
                                    

-NATASHA-
 
Hanggang ngayon binabagabag pa din ako ng mga sinabi ni Irene. Mayroong taksil samin, nagpapanggap lang siya.Pero ang tanong sino ba? Sino ang  taksil?

Di ko namalayan na nasa basement na pala ako nitong palasyo, muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang bumukas ang parang tarangkahan? Sa harapan ko, nagpalinga-linga ako sa paligid ko, wala namang ibang nandirito pero..pero..

"Natasha..."-nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ako ng presensiya na parang yumayakap sakin pero wala naman, walang ibang bampirang nandito kundi ako lang pero.

"Follow me.."-nagulat ako ng bigla biglang may tumambad na puting apoy sa harapan ko.Naglalagablab 'yon pero hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong init mula doon.

Wala sa sariling sinundan ko na lang ang bagay na yon.Mayamaya pa nagulat na lang ako ng biglang nag-anyong  tao yong puting apoy.At halos mapatulala ako sa kaniya.Sobrang ganda niya, puti ang maaalon at mahabang  buhok niya, nakasuot din siya ng puting saya at kumikinang ang balat niya na lalong nakadagdag sa kagandahan niya.Agaw pansin din ang kulay asul niyang mga mata.

"Nandito na tayo"-napakurap-kurap  naman ako at tinignan ang buong paligid .Nasa harapan kami ng napakalaking pintuan.Nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya.Nagulat na lang ako ng sa isang iglap lang nasa harapan ko na siya.

"Dapat ay hindi ka nandirito, dapat wala ka dito, paumanhin at nagkamali ako"-nagulat na lang ako ng bigla siyang humagulgol.Anong pinagsasabi niya? At sino ba talaga siya? Bakit niya sinasabi na dapat wala ako dito?  at bakit siya humihingi ng tawad ?

"Unang-una pa lang hindi ka na dapat nandito sa imperyong ito.Isang pagkakamali ang lahat, ang lahat lahat Natasha."-patuloy pa rin na umaagos ang mga luha niya habang sinasabi sakin ang mga bagay na 'yon at kitang-kita ko din ang sari't-saring emosyon sa mga mata niya, nandoon ang pagsisisi, lungkot at paghihinagpis.

Naitulak ko siya papalayo ng tinangka niyang yakapin ako. Hindi ko siya kilala at mas malala pa hindi ko alam kung anong klaseng nilalang siya, natitiyak ko na hindi siya bampira o lobo, dahil ibang-iba ang itchure niya.

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko ng sumagi sa isipan ko ang nabasa ko sa isang aklat, lahat lahat ng deskripsiyon ng tungkol sa isang  dyosa taglay niya.Nakasuot ng puting saya, kumikinang ang balat katulad ng bituin sa mga langit, at nagtataglay ng kakaibang kagandahan. Bakit ba hindi ko manlang yan naisip kanina?

Pero teka, isang pagkakamali lang ang lahat? Anong ibig niyang ipahiwatig doon? Na isang pagkakamali ang lahat? Na nagkamali lang siyang itakda kami ni Clinton sa isa't-isa? Yon ba ang nais niyang sabihin?

  
Kung pagkakamali lang ang lahat sana wala dito sina Tyler at Margaux, hindi ko nakilala sina Matthew, hindi ako naging reyna ng imperyong ito na napamahal na din sa'kin at higit sa lahat hindi ko sana nakilala si Clinton, hindi ko sana nakilala ang lalaking mamahalin ko ng buong buo. Hindi ako magbabait-baitan at sasabihin na lang na tama siya kahit wala pa namang patunay o mas tamang sabihin na hangga't di niya pa napapatunayan na,  totoo  ngang pagkakamali lang ang lahat.

"Ipagpaumanhin niyo po mahal na dyosa pero ikaw  ang nagtatakda sa mga nilalang dito sa mundong ito, kung sino ang nakatakda sa isa't-isa, pagkatapos heto na at sasabihin niyo sa'kin na pagkakamali ang lahat, na pagkakamali lang ang pagtakda mo sa'min ni Clinton? Parang hindi ata tama 'yon"-alam ko parang bastos na ang tono ng pananalita ko, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.Nasaktan kasi ako sa sinabi niya.

Ngayong mahal na mahal na namin ni Clinton ang isa't-isa tapos sassbihin niyang pagkakamali lang ang lahat? Di ako maniniwala, siya ang nagtakda sa'min ni Clinton. At alam ko sa sarili ko na para kami sa isa't-isa.

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon