Chapter 25

5.1K 127 7
                                    

engrmarshmallow dedicate to sayo dear...💋

~ Natasha~

Kusa akong napangiti ng makitang payapang natutulog si Clinton.I'm thankful  na maayos na talaga ang kalagayan niya.Ang dami pa ring bumabagabag sakin, ang tungkol kay Edmund, ang pagtataksil ni Matthew samin, ang tungkol sa hindi pala pagiging lason ng titanium herb at ang pinakahuli ay...ang nararamdaman ni Cedric sakin.Sana mahanap na ni Cedric ang kapareha niya, dahil kung patuloy niya lang akong mamahalin masasaktan niya lang ng masasaktan ang sarili niya.Nahiga ulit ako sa tabi ni Clinton, kamusta na kaya ang mga anak namin?. Minsan nalulungkot ako dahil hindi ko na... ibig kong sabihin hindi na namin napagtutuunan ng pansin sina Tyler at Margaux, dahil sa samo' t saring problemang kinakaharap namin ni Clinton, ng imperyong pinamumunuan namin.Alam ko naman na kailangan naming tuparin ang tungkulin namin bilang hari at reyna pero naaawa pa rin ako sa mga anak namin ni Clinton, I know Tyler is a wise kid at alam kong naiintidihan niya kaming dalawa ng Ama niya,pero si Margaux my little princess..
She just turn one pero heto kami ni Clinton at malayo sa kaniya.

Ipinagdesisyunan ko na lang na lumabas ng kwarto kailangan kong pagnilay-nilayan ang mga kaganapan sa buhay naming magpapamilya, alam ko kasing may dahilan ang lahat ng ito na, hindi lang basta-bastang nangyayari  ang lahat ng ito na, may dahilan ang lahat.Bahagya pa akong nagulat at natigilan sa paghakbang papuntang kusina ng makita ko ang dating Reyna na may binuburdang sapin sa mesa.Hating gabi na pero heto pa rin siya hindi pa rin tapos sa ginagawa niya.Tahimik akong umupo sa tabi niya mukhang nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko dahil basta basta niya na lang nabitawan ang binuburda niya ng makabawi sa pagkagulat ay tipid niya akong nginitian.Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya kasi nakikita ko naman na hindi niya sinusukuan si Clinton kahit na ang lamig ng pakikitungo nito sa  kaniya.I salute her for being this brave.

"May dumi ba ako sa mukha Hija? At ganyan ka kung pagkatitigan -napakurap-kurap naman ako bahagya pang natawa ang mahal na Reyna sa akin , tipid ko siyang nginitian, nakatulala na pala ako sa kaniya bahagya akong umiling-iling at umiwas ng tingin, nakakahiya ang ginawa ko tsk.tsk.Nahagip ng paningin ko ang isang kwarto sa tabi ng kwartong tinutuluyan namin ni Clinton.Nakabukas ang pintuan noon  kaya kitang-kita ko ang mga batang kinupkop ng dating Reyna na mahimbing na natutulog sa kama habang magkakayakap.Napangiti ako ng mapakla I miss my children already.

"May problema ba Hija?"-kusa ulit akong napalingon sa mahal na Reyna, kitang-kita ang pag-aalala sa abuhin niyang mga mata, napabuntong hininga na lang ako,bahagya pa akong nagulat ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko na para bang sa ginawa niyang yon, pinapahiwatig niya na magiging maayos din ang lahat. She's so sweet, I can clearly see the motherly act  on her, no wonder na madaling nahulog ang loob ng mga bata sa kaniya.I hope maging maayos silang dalawa ni Clinton at ng makita niya ang kaniyang mga apo. I know na matutuwa ang mga bata lalong lalo na si Margaux kapag nakita ang kaniyang Lola.

"Clinton is such a lucky guy to have you, Hija"-nakangiti at punong-puno ng sinseridad na sabi niya,napangiti na rin ako.I am also lucky to have Clinton as my mate.

Napatingin muli ako sa mahal na Reyna at pinagkatitigan siya, hinahanap ko kung may bahid ba ng galit sa mga mata niya o hinanakit para sakin, dahil sa dahil sakin magka-away ang dalawang anak niya pero,  wala.Wala akong nakitang ni katiting na galit at hinanakit sa mga mata niya.Ang nakikita ko lang e, kasiyahan pero may bahid parin ng kalungkutan ang kasiyahang yon.At alam ko kung bakit dahil sa nasasaktan siya sa kalagayan ng mga anak niya.Gusto ko mang malaman kung ano ang nangyari kung bakit umalis sa palasyo ang dating Reyna at malaman kung anong nangyari sa pagitan nila ni Clinton ay hindi pwede, hindi ako pwedeng manghimasok na lang bigla bigla sa pagitan ng hindi pagkakaunawaan ng dating reyna at ni Clinton.Hahayaan ko na lang na kusang magkwento si Clinton sakin o di kaya ang dating Reyna ng mga nangyari sa pagitan nila.

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon