Chapter 21

5.5K 138 0
                                    

~Natasha~

"Ang payapa mo namang tignan Mahal na Hari"-napangiti ako ng mapakla kaya ko ngang magpagaling ng kahit anong karamdaman pero hindi kasama doon ang pagpapagaling ko sa mga nalason ng titanium herb, dahil ang titanium herb ang isa sa mga ipinagbabawal na uri ng halaman dahil nga sa lason na taglay nito na pwedeng kumitil sa buhay ng kahit anong nilalang at kahit na pure blooded vampire si Clinton,hindi ibig sabihin noon na hindi na siya matatablan ng lason.


"Clinton wag mo akong iwan huh? Wag kang susuko pakiusap"-napahagulgol na ako hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at kusa na lang yong dumadaloy,ilang oras lang ang nakalipas pero makikita talaga sa itchura niya na,malala ang epekto ng lason mula sa likuran kong saan siya nasaksak ni Matthew unti unti yong nagiging kulay lila at mas lumalawak ang nasasakop noon habang lumilipas ang oras mabuti na lang nagawan ng mga babaylan ng paraan para maging mabagal ang proseso noon pero ang ikinakatakot ko ay dahil pagkatapos ng tatlong araw at hindi pa namin nahahanap ang lunas na sinasabi ni Cedric maaaring mamatay si Clinton at yon ang hindi ko kayang mangyari , ang mawala siya.Ngayon ko pa lang kasi napaparamdam sa kaniya na mahal ko siya,ngayon pa lang masyadong nagiging maayos ang lahat eh.


"Clinton please...please..naman wag kang bibitaw please.."-mas lalong lumakas ang paghagulgol ko iniisip ko pa lang na mawawala si Clinton samin,parang bibiyakin na ang puso ko.
My

"Baka hindi sa lason mamatay ang kapatid ko baka dahil diyan sa higpit ng pagkakayakap mo"

Napatigil ako sa paghagulgol at kusang napatingin kay Cedric dali-dali ko namang tinuyo ang dalawang pisngi ko.

"Cedric"-na iusal ko na lang ewan ko kung ano ang iniisip niya ngayon wala kasi siyang reaksiyon at may isang pagkakaiba sina Clinton at siya yon ay yong paraan ng pagtitig nila, si Clinton kasi nakakaintimidate kong tumingin parang  maaasiwa ka sa paraan ng pagtitig niya at sumisigaw sa awtoridad ang awra niya habang itong si Cedric walang kabuhay buhay kong tumingin makikita sa mga mata niya na wala itong emosyon yong talagang wala talaga.

"Don't look at me like that baka bumangon bigla ang kapatid ko diyan at suntukin ako bigla"-natatawa pang sabi niya nakatameme na pala ako sa kaniya   kusa akong  napairap at mas pinili ng pakawalan si Clinton mula sa pagkakayakap ko naririnig ko pang tumatawa si Cedric.

"Cedric anong oras tayo aalis bukas?"-pag-iiba ko ng topic dahil baka mas lalo akong maging emosyonal kapag pinag-usapan pa namin si Clinton kusa akong napalingon  kay Cedric dahil hindi niya sinagot ang tanong ko tapos noong tinignan ko siya seryoso lang siyang nakatingin sakin kaya napa-arko ang isang kilay ko.

At parang may bumabagabag sa kaniya napabuntong hininga na lang ako.

"Sagutin mo ako Ced..kailan that----------------

"Ngayon na,ngayon tayo aalis"

"ANO!!? Ngayon?"-nanlaki ang mga mata ko bakit naman napaaga ata?pero sabi buk---hindi ko maintindihan

"Kung nagtataka ka kung bakit napaaga dahil ang black rose na lunas diyan sa lason sa kapatid ko ay susunugin ng mga bampirang nakatira sa Evanna kung saan lang matatagpuan yon kaya, Natasha kailangan na nating umalis"-diretsahang  niya pero teka susunugin? bakit susunugin?

"Bakit?"-nakita ko namang napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit nila susunugin ang mga yon?"-nakakapagtaka lang kasi sila ang nagtanim noon kaya bakit susunugin na lang nila ang mga yon ng ganon ganon lang

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon