Chapter 38

3K 75 1
                                    

~Natasha~

"Please Luke nakikiusap ako pakawalan niyo na ako dito"- nag-aalala na ako kay Clinton. Alam ko sa mga oras na ito inaatake na sila ng kampon ni Edmund ang mga rougre na hindi na'min nailigtas. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na, ginawa 'yon ni Clinton. Hindi ko alam na nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Bakit ba? bakit ba palagi na lang siyang nagsasakripisyo? Bakit dapat siya palagi ang gumawa ng bagay na 'yon? Hindi ko maintindihan…

"Pasensiya na Asha pero hindi pwede"- at talagang hindi ko siya makukumbinsi. Buo ang paninindigan niya na panatilihin ako dito. Kinulong nila ako sa isang silid na maraming nakabantay na kawal sa labas. Sinisigurado talaga nila na hindi ako makakatakas dito.Tinuyo ko ang magkabilang pisngi at nag-iwas ng tingin.

"Maaari ba na iwanan niyo muna ako gusto kong mapag-isa"- nakita ko pa na parang may sasabihin si Luke dahil sa mukhang ibubuka niya na ang kaniyang bibig para magsalita pero agad din 'yong itinikop. Napabuntong hininga at sininyasan niya na lang ang mga kasamahan niya na umalis.

Wala sa sariling niyakap ko na langang dalawang tuhod ko at doon isinubsob ang aking mukha.Bakit ba ganito ang nangyayari? Hindi ba pwede maging masaya na lang kami parati??

Napaiyak na naman ako,parang nawawalan na ako ng pag-asang makakaalis pa ako. Bantay sarado ako at hindi tumatalab ang teleportation ko. Masama ang kutob ko, hindi ako maplagay sa mga nangyayari, kasi alam ko na may mali.

May iba sa ikinikilos ni Clinton, simula noong nagtraining kami hanggang sa pinaalis niya kami. At natatakot ako sa dahilan niya kung bakit niya nagawa ang mga ganoong bagay. He knows that I can fight that I can take care of my self in the battlefield pero bakit?? Bakit pinaalis niya ako? bakit pinaalis niya kami ng mga anak niya?

Walang sawa at walang tigil sa mpag-agos ng masasaganang luha ko. Bakit ba laging pasakit na lamang ang nararamdaman na'min ni Clinton? Parang hindi naman tama 'yon!! parang ang unfair!!

Sa tuwing magiging masaya kami tyaka naman may mangyayaring masama na siyang magpapatigil sa amin na makaramdam ng kasiyahan at masaktan at magdusa na lamang.Gusto ko lang naman ay maging masaya kami ni Clinton, kami nina Tyler at Margaux pero bakit ganito??

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?? Dahil gustong gusto ko ng matapos ang kaguluhang nangyayari sa imperyong ito. Nais ko na lamang na maging maayos at tahimik ang buhay ng bawat isa sa imperyong ito, sa imperyong kinabibilangan ng asawa ko.

Nag-angat ako ng tingin at napatitig sa kawalan. Kailangan ba talaga na'min pagdaanan ni Clinton ang lahat ng ito??

"Please be safe Honey..."- naiusal ko na lamang. Iyon lamang ang hinihiling ko ang maging ligtas siya, dahil hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. He should be, ngayon pa na dinadala ko na sa sinapupunan ko ang magiging kapatid nina ni Tyler at Margaux. No!! napailing-iling ako hindi pa siya pwedeng mawala. He have to see this kid, kailangan nandito siya kapag nanganak ako.Hindi pwedeng mawalan ng Ama ang mga anak ko.

Hindi ko pa nasasabi kina Clinton dahil gusto ko siyang surprisahin sa darating na kaarawan niya.Pero mukhang hindi pa matutuloy dahil sa labanang nangyayari ngayon. Kaya kailangan niyang makaligtas dahil kapag hindi ako mismo ang maglilibing sa kaniya ng buhay!!

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si Veronica. Tinuyo ko ulit ang magkabilang pisngi at napaayos ng pagkakaupo. May dala dala siyang isang tray na may laman ng pagkain. Napangiti ako malaki na ang tiyan niya at halatang madali ng manganak. I'm happy for them sa kanila ni Luke.

"Kumain kana muna Mahal na Reyna"- ako na mismo ang kumuha ng tray mula sa kaniya dahil mahihirapan talaga siyang yumuko dahil sa malaking umbok  sa kaniyang tiyan."Makakasama yan para sa dinadala mo, kaya kumain kana"- napalingon ako sa kaniya na nakaupo sa isang kama sa di kalayuan sa pwesto ko, medyo napauwang pa ang aking bibig dahil sa tinuran niya. A-alam niya?? pero paano? Napakunot ang noo ko, nasisiguro ko na ako lamang ang nagkakalam tungkol sa bagay na 'yon.

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon