Chapter 39

2.8K 76 1
                                    

Dedicated to MissJanniee  his is for you thank you sa lahat beh and if you wanted to read her stories visit her profile. Ang ganda ng mga stories niya yieee supportive bff here 😘

~Natasha~

Kinakabahan ako nasa labanan ngayon si Clinton, kaya dali-dali akong lumabas ng silid na'min dahil wala naman siya doon. Minsan ang tanga ko rin eh, hays...

Nagulat pa ako sa nasaksihan ko, kahit na hindi na bago sa'kin ang mga panatayan dito sa imperyong ito, ang pagdanak ng dugo. Ibang-iba pa rin kapag si Clinton ang nasasaksihan kong pumatay ng mga kalaban, nakakapangilabot at nakakapanindig ng balahibo.

"CLINTON!!"- mukhang nagulat pa siya ng makita ako pero agad din namang bumalik sa walang karea-reaksiyon ang mukha niya. Walang pag-aalinlangan niyang pinugutan ng ulo ang kalaban niya.Napalunok na lamang ako at nag-iwas ng tingin.

"Why are you here, Sweetheart?"- naiinis na ako sa kaniya, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, kundi ang batukan siya.

"What the hell was that for? Natasha?" - siya pa ang may ganang magalit ngayon. Pinalayo niya kami ng mga anak niya. He went into this battle alone.He said that we will went through in this war together but look at what he have done.

"You knew it all along don't you?"- nakataas ang kilay ko habang tinatanong na yan.Napakunot naman ang noo niya at may pagtatakang tinignan ako.Natampal ko na lang ang sariling noo.

"Ibig kong sabihin alam muna na dinadala ko na sa sinapupunan ko ang bunso natin?"- pag-uulit ko, pero nag-iwas lang siya ng tingin, at kinabig ako papalapit sa kaniya. Ipinulupot niya agad ang mga braso niya sa beywang ko.Nagulat pa ako ng biglang kaming bumulusok pataas.Mayamaya lang nasa ere na kami.Nakakapagtataka, saan naman kami pupunta?

Pagkatapos nagulat na lamang ako na, nasa balkonahe na kami ng kwartong na'ming dalawa. Nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya pero tipid niya lamang akong nginitian.Napapikit ako ng dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Take care of our youngest daughter, Sweetheart"- kusa akong napangiti dahil sa sinabi niya.Sabi na nga bang may alam na siya noong una pa lang.Nang iminulat ko ang mga mata ko wala na si Clinton, napabuntong hininga na lamang ako.

Naguguluhan ako ang sabi ni Auntie Mira, may mangyayaring masama kay Clinton, pero parang wala naman.Nagkamali lamang ba si Auntie o talagang may mangyayaring hindi maganda?

Napahilata ako ng higa sa kama namin.His scent is still lingering in my nostrils. Hindi pa rin ako makapaniwala na, nandito na, na umabot kami ni Clinton sa ganito.W ho would have thought that, I would fall for him really hard? Sana lang walang may mangyaring masama sa kaniya.

Pero binabagabag parin ako ng pangitaing nakita ko na, hindi na daw namin makakasama si Clinton. That scenery scared me to death! kinakabahan pa rin ako dahil hindi naman sa gusto kong mawala si Clinton. I am not that stupid, to wish that my mate will be gone forever.Ang sa'kin lang pwedeng pwedeng mangyari ang bagay na 'yon, ang mawala si Clinton sa'min.

Bakit ba ganyang mga bagay ang naiisip ko? I already know the capabilities of my mate, at hindi siya magpapatalo, lalong lalo na sa mga kalaban na'min. All I have to do is to be positive that we will win this war.

Napaupo ako bigla, naalala ko may kailangan pala akong kunin dito.Bago kami tuluyang maghiwalay ni Auntie Mira, may sinabi siya sa'kin. Kailangan ko daw kunin ang binigay ni Clinton na kwintas, 'yong kwintas binigay niya para hindi kami matunton ng mga kalaban, kami ni Tyler.Ang problema lang eh, hindi ko alam kung saan 'yon inilagay ni Clinton.

Vampire's King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon