Third Moon

1.8K 92 29
                                    

"Sorry, Nol. Let's have breakfast next time."

"Alright, but are you okay? What happened?"

"I'm fine, I just don't feel like going out right now." I half lied.

"Okay, I understand. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."

I smiled. "Thank you, Nol. Have a safe trip going back."

"Thanks, V."

Nakahiga lang ako dito sa kama ko. I was mad at myself. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. At nakita niya pang namumuo ang mga luha ko! That fucking jerk! I hate him so much!

There was a knock on my door. Wala ako sa mood para tumayo at buksan ang pinto. Buti nalang at hindi ito nakalock.

Pumasok si Tanner. Mukhang alalang alala siya. Bumuntong hininga ako bago humiga ng patalikod sa kanya. I hugged my pillow before closing my eyes.

"V, I heard what happ--.."

"Don't." Agad kong sabi.

He sighed. Naramdaman kong gumalaw ang kama ko, umupo ata siya sa dulo ng kama.

"I'm sorry for that, V. If you want to talk, I'm willing to listen." He said.

"I'm fine, Tan. I just want to lie down all day."

"You know you can't do that. May training pa tayo mamaya." Sabi niya.

"I'll skip."

Nagulat ako nung pinalo niya ang pwet ko. Marahas ko siyang tiningnan bago siya sinipa para mahulog siya sa kama ko. Napasigaw siya sa sakit kaya natawa.

"That's for slapping my ass, you idiot."

"You don't even have an ass. Para akong namalo ng pader, V!" Pang-aasar niya.

Napaupo ako sa kama. "What did you say? Halika rito!"

Dali dali siyang tumayo at tumakbo palabas sa kwarto habang tumatawa. Tumatawa rin ako habang hinahabol siya. Natigil lang kaming dalawa nung may nakita kaming mga nag-aayos sa pinto ng bahay namin.

"What's this?" Tanong ni Tanner sa kanila.

"Nautusan lang po kaming ayusin ang pinto niyo." Sagot nung isa.

"Sinong nag-utos? Si Beta Tommy ba?" Hula ko dahil tinanong niya ako tungkol sa pinto kanina.

"Hindi po," He answered. "si Alpha Pierre po."

I frowned. Akala ko ba wala siyang pake sa nasira naming pinto? Ano nanaman to? Papansin talaga.

Napatingin ako kay Tanner nung pinalo niya ng mahina ang braso. He smirked at me.

"Bumabawi." Sabi niya sakin.

Umirap ako. "Dapat lang na gawin niya yan, noh. Siya naman ang nakasira niyan."

"And maybe that's his way of saying sorry for what he did a while ago." He teased.

I slapped his arm and he stopped talking. Ngumuso siya habang hinihimas yung braso niyang pinalo ko.

"Why would he say sorry? Wala namang puso yun." Sabi ko bago bumalik sa kwarto ko.

*****

"Galingan niyo sa pag-eensayo, manunuod si Alpha." Rinig kong sabi nung chimosa number one.

"Talaga? Excited at kinakabahan na ako!" Humagikgik yung isa.

"Bakit kaya siya manunuod?" Tanong naman nung isa.

Bloodrose MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon