Sixth Moon

1.6K 63 30
                                    

"Happy birthday, Ma." Pierre kissed his Mother's cheek.

Luna Jenesis smiled. "Thank you, my son," She said before looking at me. "you must be Vanessa! Finally, nagkakilala na rin tayo. Palagi kang naikwekwento ni Pi--.."

"Ma, si Dad?" Biglang singit ni Pierre.

Mahina siyang hinampas sa braso ni Luna Jenesis. "Don't cut me off!" She said before looking at me again. "anyways, hi! You can call me Mama already."

Nanlaki naman ang mga mata ko dun. Mama? Hindi niya ba alam na hindi ako inangkin ni Pierre? Plus, we had a mutual rejection.

"You're scaring her, Mama. Calm down." Natatawang sabi ni Pierre bago nilagay ang kanyang kamay sa akong likod. I stiffened.

Umirap lamang si Luna Jenesis, natawa naman ako ng mahina. "Your Dad is outside, talking to your Lolo and the other Alphas. Go now, hinihintay ka nila. Leave Vanessa with me, magchichika na muna kami."

Pierre clenched his jaw before looking at me then back to his Mom. He sighed before looking at me again. Nilapit niya ako sa kanya kaya nag-init ang pisngi ko.

"I'll come back for you, okay?" He said softly.

Like an obedient puppy, I nodded. He smirked at me before leaving. Nakita ata yun ni Luna Jenesis dahil humagikgik siya nang makaalis na ang kanyang anak.

"Pagpasensiyahan mo na yung excitement ko, ah. Hindi lang kasi ako makapaniwala na dinala niya na rito sa mansyon namin ang kanyang mate." She smiled.

I'm not his mate. "Ayos lang po," I said. "happy birthday nga po pala, Luna."

"Thank you, Vanessa but please don't call me Luna...you can call me Tita or Mama..." She grinned.

Nag-init mula ang pisngi ko. "S-Sige po, Tita."

Napansin niya atang naiilang ako. "You don't look okay, iha. You must be hungry!"

"Ayos lang p-po ako." Sabi ko nalang.

Naiilang lang po ako, Luna—Tita Jenesis. Ang bait mo sakin at mukhang excited ka dahil nakilala mo na ang pares ng anak mo pero...hindi po talaga ako yun.

I am here because of a deal. The deal...kung mananalo ako, I can finally leave this pack and him.

"Kumain ka na muna. Halika, lumabas na tayo. Nandun ang pagkain." Sabi niya sakin.

Tumango nalang ako at hinayaan siyang hilahin ako papunta sa malaking garden ng Red Moon mansion. Maraming tao sa labas, nagtatawanan, nagsasayawan, umiinom at kumamain.

While walking towards the buffet, I saw Pierre. He was busy talking with the other Alphas. Seeing him laugh and smile made my Wolf howl.

Ang gwapo! Pwede bang magpaangkin na tayo? I want him so bad! Desperado niyang sabi.

I mentally rolled my eyes. Bakit ba hindi ko katulad ang lobo ko? She's such a puppy to this monster.

Monster ka diyan! Beautiful monster kamo! Dagdag niya.

Tumingin si Pierre sa direksyon ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Nag-init naman ang mga pisngi ko.

"Plato, Vanessa, oh." Sabi ni Tita Jenesis sabay abot nung platong hawak niya sakin.

"You okay, baby?"

Napatalon ako sa gulat nung marinig ko ang boses ni Pierre sa isip ko. Muntik ko nang mabitawan ang platong hawak ko. Napatingin naman yung waiter at si Tita Jenesis sakin.

Bloodrose MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon