***1***
Hay naku! Siraulo talaga yung tao na yan. Akalain mong ibato sa akin yung ballpen niya? Mukhang metal pa man din! Kapag ako nagkabukol nito, kasalanan niya. Pasalamat siya kahit teacher siya e close kami.
"Ang sakit nun ah!" Hinawakan ko naman yung noo ko.
"Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko nang inexplain sa 'yo." Sabi niya sa akin tapos pinulot niya yung ballpen niya sa ilalim ng lamesa.
"Naiintindihan ko..." Tumango-tango naman ako pero sa totoo lang, hindi ko talaga naintindihan yung sinabi niya, "Para Sports Curriculum lang naman! Ano namang mahirap intindihin dun?"
"O sige, ulitin mo nga yung sinabi ko."
"Uhmmm, yung sports ay considered academics ng sports curriculum. Yung ibang activities, extra-curricular."
"Yan yung shorter version."
Narinig ko namang nag-alarm na. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.
"Akalain mo yun, na-save ako ng alarm! Paano ba yan, alis na ko! Alam ko namang tanggap na ako doon sa sinalihan ko! Ayoko yatang ma-late!"
Tumakbo na ako palabas nun. Sumigaw pa siya habang tinatawag ang pangalan ko. "Sa susunod nga magsuot ka naman ng blouse! Hindi pa kita nakikita magsuot ng blouse!"
"Alis na ako!"
Nung nakalabas na ako ng Guidance Office, inayos ko naman yung sumbrero ko at nalalaglag pa yung buhok ko. Nagpunta lang ako doon sa Guidance para maintindihan ko yung terms ng Sports Curriculum. Isa pa, galing kasi ako sa Computer Curriculum. Nag-iba yung interest ko kaya lumipat ako sa Sports.
Pagdating ko doon sa room na kung saan nila sinabi na doon daw magkita-kita, naupo ako doon para maghintay. Please lang sana nakuha ako. Please lang...
Tinignan ko yung relo ko. Anak ng tinapay! Sinabihan nila ako na sharp pumunta dito tapos sila yung wala! Kakainis na mga yun. Nagmadali pa naman ako tapos sila naman pala ng wala.
Nagsisimula na akong mabwisit nun hanggang sa nakita kong may tatlong lalaki na naglalakad ng mabilis. Yung dalawa doon e namumukhaan ko dahil sila yung nagpatry-out sa akin at sinabi nila na ok na ok daw ako. Aba, mukhang may malaking pag-asa!
Yung isa naman na hindi ko kilala eh masyado namang seryoso at naupo doon sa table na nasa harapan ko. Narinig ko yung pinag-uusapan nila nung dumaan sila.
"Bro, sinasabi ko sa iyo... itong Chris? Magaling!" sabi nung isa na katabi niya.
Bumulong naman yung isa. "Oo nga bro, kahit anong mangyari ang isipin mo e yung Chris magaling!" naki-oo naman yung isa.
Mukhang nairita yata yung isa kaya huminto at sa harapan ko pa.
"Kayong dalawa, bakit ba ang weird niyo kumilos ngayon? Kung i-brainwash niyo ako parang nakagawa kayo ng kasalanan. Kung magaling yung Chris, e di magaling!"
Teka.. parang kilala ko na yung pinag-uusapan nila.
Nag-bye naman yung dalawang nagpatry-out sa akin at ang naiwan na lang doon sa loob eh ako at yung lalaking seryoso. Nagtingin-tingin siya sa paligid niya tapos natigil siya sa akin.
"Excuse me, busy kami ngayon so mamaya na lang po kayo mang-istorbo."
Napataas yung kilay ko at tumayo naman ako sa harapan niya. Hindi pa niya ako pinapansin.
"Late na yung Chris na yun. Kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"
Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to. Napatingin siya uli sa akin na para bang naalala niya na nanduon pa rin ako. "Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.