***22***
Seryosong-seryoso siya nun at ako rin eh seryosong-seryosong nakatingin sa kanya. For some moment, nagtitigan lang kaming dalawa doon. Finally nung marealize ko, tumawa na lang ako ng malakas at tinapik ko siya sa balikat niya. Sumakit nga yung tiyan ko kakatawa eh."Good one Ash! Ang galing mo talagang magbiro.." sabi ko tapos hinawakan ko na yung tiyan ko.
"Ooh.. right." sabi na lang niya tapos tinalikuran niya rin ako.
Tama ba yun? Hindi man lang ako sinabayan sa pagtawa ko?
Nauna na siyang lumabas sa akin at naiwan ako doon sa loob. Dala-dala na niya yung mga gamit niya. Nung nalaman ko na talagang ako na lang yung tao doon, yumuko ako.
What's up with him? He couldn't be... I mean.. with me? He can't.. can he?
Crap.
"Hey, pick you up at 3?" nahulog na lang ako doon sa inuupuan kong able.
Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nagsasalita? Akala ko pa naman wala na siya?
"3? Anong 3?" hindi ako makapag-isip ng maayos nun, "Bahala ka na."
Nakita kaya niya na nag-iisip ako doon? Nakakahiya naman kung ganun.
Tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko para umuwi na rin ako. Hindi ko na lang iisipin yung presentation.
Naabutan ko naman siyang naglalakad at hawak pa niya yung laptop niya sa kaliwang braso niya. Napansin lang niya ako nung sumabay ako at may kausap siya sa phone.
"Yeah Mom.. I know." halatang naiirita din siya, "Just tell Dad he's not doing good this past few days..."
After ng ilang sinasabi niya, binaba na rin niya yung phone at tumingin sa akin.
"Mommy ko. Masyado na namang worried sa mga bagay-bagay. Especially Lawrence. Medyo namumutla nga siya kagabi pa.""May sakit ba siya?""Dati rin nagkakaganyan siya. Sasakit yung ulo... namumutla... pero ilang araw lang din, balik na siya sa dati." kahit hindi niya masyadong pinapakita, halata mong concerned pa rin siya sa kapatid niya.
Nilagay niya yung isang kamay niya sa bulsa niya at nakita kong may connecting chain siya sa pocket niya. Eh sa dress code namin, bawal na yun. Baka daw kasi magkaroon ng idea yung mga estudyante na gamitin sa kung ano yun.
"Hey.. may connecting chain ka sa back pocket mo? Bawal na yan ah!"
Napatingin din naman siya sa likuran niya. Napahawak siya doon sa back pocket niya.
"Ahh.. yan ba? Nalimutan ko kasing alisin eh.." tapos tinignan niya yung laptop niya,"M-may email ka ba?""Wala. Wala akong panahon sa ganyan."
Naglakad lang kami ng naglakad nun. Umuwi siya sa kanila para iwan yung gamit niya. Ako naman eh umuwi na sa amin at nanood ako ng TV kahit hindi naman ako makapag-concentrate. Maya-maya lang eh sinabihan ako ni Kuya Christian na nasa labas nga daw si Ash at hinahanap ako.
Lumabas naman ako kaagad. Medyo madilim na rin nun at nandun pa siya sa labas namin at nakangiti na naman.
"Tara dito!" niyaya naman niya akong lumabas.
"Gabi na nga eh!" sabi ko naman sa kanya.
"So?" tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Lakad-lakad tayo."
Wala talaga akong balak maglakad nun at medyo tinatamad na rin ako. Mukhang desperado ng kasama si Ash kaya pumayag na rin ako. Hiniram ko yung bike ni Kuya Christian at pumayag naman na siya.
Paglabas ko, napaatras si Ash sa akin at 'di mo maintindihan yung expression ng mukha niya nung makita yung bike.
"Bakit ganyan ka makatingin sa bike?" sinuot ko naman yung helmet, "Wala akong balak maglakad. Gusto mo sumabay ka sa akin."