(30)

6.3K 180 2
                                    

***30***

Nakatingin lang si Chester sa akin. Tama ba yung ginawa ko? Parang hindi eh. Lalo lang yatang sasama yung pakiramdam ko. Kawawa namn si Chester kung ganun.

"I know what you think, sorry Chester ha. Never mind." napaka-unfair ko naman kasi sa kanya.

"No.. no, it's ok. Naiintindihan ko na. You love him. You can use me. I'm willing to do it."

Umatras naman ako umiling-iling sa kanya.

"Hindi.. hindi pwede. Ang unfair naman nun sa part mo.." kaya lang nag-sink sa utak ko yung sinabi niya, "I DON'T LOVE HIM!!!" napalakas yata yung pag-deny ko kaya hininaan ko, "I don't."

"Halata naman na eh. Hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Chris," humawak siya sa balikat ko, "Sinabi sa akin ng grandmother ko dati, 'Mas mabuting mabuhay ka ng nakilala mo yung sarili mo, kaysa mabuhay ka ng nagtatanggi.' Bakit hindi niyo subukang dalawa? Malay niyo mag work-out para sa inyo."

Umupo ako doon sa isa sa mga upuan.

"Hindi pwede eh. It's complicated. I can't tell you why."

"Ok lang sa akin kung hindi mo kayang sabihin, pero isipin mo lang, nandito ako para samahan ka. I'll be your date sa Prom. No hurt feelings."

Kung hindi ko lang siguro... oh well umamin ka na, kung hindi ko lang siguro mahal si Ash sa ngayon, baka kay Chester pa rin ako may gusto. Pero ang problema nga, si Ash nakilala ko.

Chester's right. It's better to live knowing yourself than without knowing your true self at all. Does that make sense?

***

Another boing day. Nasa English Class kami ngayon. Nakaupo kami doon sa usual na mga upuan namin at dinidiscuss yung librong 'The Little Prince by Antoine De Saint-Exupery'. Naguguluhan na nga yung utak ko eh.

Nagbabasa nun si Camille, yung isa sa classmates namin.

"... And he went back to meet the fox. 'Good bye.' he said. 'Good bye,' said the fox."huminto ng kaunti si Camille then tinuloy na niya, " 'And here is my secret, a very simple secret: It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' "

"Camille, ihihinto muna kita diyan. 'It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' Ngayon, anong ibig sabihin ni Antoine De Saint-Exupery diyan? Bakit niya yun sinulat?" walang nagtataas ng kamay, "Opinions? Anyone?"

Ang tahimik pa rin sa buong klase nun at walang gustong mag-share ng opinion. Ano nga bang ibig sabihin nun?

Nilaro-laro ko na lang yung libro ko. Nakakatamad naman kasi eh.

"Orellana! Ano sa tingin mo yung ibig sabihin nung quotation na yun na sinabi ng fox?"

"Err.. uh.." Ano ba yan, hindi ko naman talaga alam, "Ibig sabihin eh, tanging sa puso mo lang makikita kung ano ang tama para sa iyo.. para sa lahat. Nasa iyo na yun... walang taong pwedeng magdikta sa iyo... ikaw lang ang nakakaalam. Minsan tanging yung nakikita lang natin ang pinapahalagahan natin. Pero ang hindi natin alam, ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay yung hindi natin nakikita. Sa mga makamundong bagay umiikot ang buhay natin, pero sa bagay na mahalaga at tunay na dahilan ng buhay tayo nagbubulagbulagan."

Nyak.. tama kaya yun???

Nagtawanan naman yung grupo ni Shalyna sa gilid. Napatingin pa nga ako sa kanila.

"Amen!" tinaas pa niya yung kamay niya.

"May gusto kang sabihin Ms. Salinas?"

"Uhmmm... wala po. What she said.." tapos tinuro niya ako.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon