***18***
"Anong sabi mo?!?" nagulat ako sa kanya.
"Sabi ko... I care about you."
Gustung-gusto ko sana siyang saktan para matauhan siya. Hindi ba siya nag-iisip? Siguro nga magkakaroon ako ng record sa Guidance pero hindi pa naman nila napo-prove na ako nga ang may gawa nun at malaki yng chance na lumabas na set-up lang lahat. Pero ngayon? Umamin siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Wala nang reason yung office para alamin pa kung siya nga kundi bigyan siya ng record.
Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib niya pero hindi malakas.
"Bakit ba hindi ka nag-iisip? Nakakainis ka na!"
Nung tumingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin. Parang walang nangyari. Mukhang ok lang siya.
"Siguro nga may record ako... but it was worth it." umakbay siya sa akin, "Tara na nga, uwi na tayo."
Habang naglalakad kami nun, hindi mo rin maiwasan na may nakatingin sa amin. Siguro kahit sila, hindi rin naniniwala na si Ash yung nagnakaw nun. Mas iisipin pa nga nila na ako yun.
Wala naman kay Ash kung may nakatingin sa kanya. May tumawag pa nga sa kanya kaya nag-excuse siya sa akin.
"Oh Hi!" seryoso pa rin siya nun, "He's not good at that?!?" narinig kong sinabi niya, "Hindi ko alam kung paano niya ginawa, lucky guess?"
Nakipag-usap lang siya doon. Kahit papaano, ngumingiti na rin siya. Binaba rin naman niya hindi rin nagtagal.
"Nathalie." nilagay na niya sa bulsan niya yung phone niya, "Nabingi yata ako sa kanya. Sigaw ng sigaw eh."
"Bakit naman?"
"Masyado lang siyang masaya." ibubuka na niya sana yung bibig niya para magkwento, kaya lang natigilan siya.
Iba pa rin yung pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Feeling ko kasi, ako yung dapat sisihin. Kasi ang lumalabas eh ikaw dapat ang nabagsakan ng sisi, napunta pa sa iba. Ang nangyayari ngayon, ikaw yung nakokonsensya.
Parang ngayon..
"Are you going?!?"
Huh?!? May tinatanong siya?
"Ano yun? Sorry, hindi ko narinig." nawala na naman ako sa sarili ko.
"Sabi ko, dahil maraming nangyari nitong araw na ito.. bakit hindi na lang tayo mag-enjoy. Niyaya kasi ako ni Nathalie na sumama daw tayo sa kanila ni Kuya. May fair kasi sa kabilang town. Like, night market.. and may rides and all those."
"Ooh.." saka lang pumasok sa utak ko, "Are you going?"
Ngumiti lang siya sa akin.
"Kung sasama ka.. oo."
"Sure."
Umuwi lang ako doon sa amin. Medyo nanghihina pa ang pakiramdam ko nun eh. Magpapakasaya kami kahit na masama yung naging araw namin! At magpapakasaya kami kahit na wala pa kaming nasisimulan sa project.
Ok lang. Mas mabuti na rin siguro yun. Nagpaalam na ako sa tatay ko na maaga namang umuwi. Pumayag naman siya. Hindi naman yan yung tipong strict sa akin. May tiwala naman yan.
Hinintay lang ako ni Ash sa labas. Nag-blouse lang ako na isa sa binili niya at boot-cut na pants. Nag-shoes na rin ako at tiyak eh maglalakad kami ng maglalakad doon at wala akong balak na mag-heels.
Paglabas ko, kinuha ko yung sumbrero ko at sinuot ko. This time, hindi ball cap yung suot ko kaya nilabas ko yung buhok ko sa butas.
Nag-salute lang siya sa akin. Ngayon naman, papunta kami sa bahay nila at siya naman ang magbibihis. Tiyak din eh nandun na si Nathalie. Pagdating namin doon sa bahay nila, hindi na kinailangang magsalita ni Ash doon sa gate nila 'di gaya ng dati dahil bukas na at may naka-park na pulang kotse sa harapan nila. Niyaya lang niya ako sa loob at pinaupo niya ako doon sa sofa nila.