***21***
Ang weird talaga niya no? Pero parang may napapansin na rin ako sa kanya. Hindi naman ako innocent sa ganitong bagay. Pakiramdam ko nga may malaking possibility na ma-break niya yung Rule-13.
Teka teka.. ma-break yung rule 13? sa akin? Ang kapal ko naman siguro. Kung anu-ano na naman iniisip ko.
Nung hapon din nung araw na iyon eh nagpunta ako sa bahay nila para mag-practice kami nung presentation namin about Marriage. Umakyat naman siya sa hagdan nila at magpapalit daw siya ng shirt dahil naiinitan na siya.
Sakto namang lumabas si Lawrence nun na mukhang kagigising lang yata. Hindi nga niya ako napansin na nakaupo doon dahil nagdire-diretso siya sa paglalakad niya at hawak-hawak pa niya yung ulo niya na akala mo eh nagkakamot ng ulo.
"Ash! Nakita mo ba yung pain reliever? Masakit yung ulo ko ngayon." sumigaw siya doon nung nasa dining table siya.
"Nasa drawer! Kunin mo na lang!"
Tumayo naman si Lawrence at naghanap ng pain reliever daw.
"Saang drawer?" sabi niya tapos binuksan niya yung isa.
Saka lang niya ako nakita nun.
"Hi Chris. Nandito ka pala, hindi kita nakita." ngumiti pa siya sa akin.
"Hello."
Lumabas naman na si Ash nun at binuksan niya yung kabilang drawer kaya naiabot na niya kay Lawrence. Saglit lang din eh umupo na siya sa sofa kasama ko.
"Hindi yan pumasok ngayon eh.. kanina pang umaga masakit yung ulo." sabi niya tapos inalis niya yung papel. "So.. simulan na natin?"
"Sure." sabi ko naman sa kanya, "Doon na muna tayo sa script natin. Yung Powerpoint naman madali na yun dahil ilalagay lang naman natin bawat slide yung 10 Marriage facts."
"Ok ok. Sige simulan na lang natin yung script."
Tumayo naman kami parehas nun at hindi ko pa alam kung anong script ang gagawin namin.
"O sige ganito. Ang simula natin eh papasok ako ng classroom. Ikaw kunwari eh naka-apron nung dumating ako. Magpo-polo na lang ako nun para kunwari galing ako sa trabaho. Lalabas doon sa projector, Couple have to show their intimacy to each other. Then ang mangyayari, sasalubungin mo ako at kunwari eh yayakapin mo ako."
Tinignan ko siya ng masama nun. Pero kailangan eh. Mas mabuti nang yakap, kaysa maiba pa.
"O sige.. yayakapin kita at sasabihin ko na kumusta ang trabaho chuvaness. Ok I got that part." sabi ko naman at tinignan ko yung papel niya. "Decisions yung next."
"The same thing sa second one. Lalabas sa projector yung Decisions. Syempre kunwari magpapahinga ako at uupo ako sa harapan. Magsasabi ako tungkol sa bahay at lupa na gusto kunwari nating bilihin sa kabilang town. Ikaw naman, mag-disagree ka sa akin. Sasabihin mo mas gusto mo na sa tinitirahan natin. But in the end, ako na yung mag-give way na papayag na mag-stay na tayo sa bahay natin." grabe, planado na nga niya talaga ito. Alam na alam na niya kasi yung sasabihin niya eh.
Nakaisip naman ako ng idea doon sa number 3. Yung one can't work out without the other.
"Sa number 3 naman, ganito na lang. Sasabihin mo sa akin na masarap kunwari yung niluto ko. Syempre, matutuwa naman ako kunwari. Papasok yung idea mo na, 'Your the best wife thing.' Then I'll say something na rin. Parang sinasabi natin na wife duties ako, husband duties ka naman. Na ngwo-work tayo ng tama according sa nature natin."
Ngumiti naman siya sa akin.
"Ok ok wife."
Inapakan ko nga siya nun ng malakas kaya nasaktan naman. Nag-proceed na kami sa number 4. Napag-usapan namin sa Money na kunwari eh magsasabi ako tungkol sa bills ng bahay. At syempre, sasabihin ko na kulang na yung pera namin sa pangbahay. Mag-disagree ng kaunti, then marerealize namin na dapat mag-share kami ng pera at huwag magsumbatan kung kanino nanggagaling yun.