***40***
Ewan ko ba, ang sama-sama ng loob ko hanggang sa maglakad ako papunta sa bahay namin. Bakit naman niya ginawa yun? Pakiramdam ko tuloy ang bigat-bigat ng dibdib ko. Championship na bukas. Matagal-tagal na rin naman na kaming nag-practice at masasayang lang lahat kung hindi siya pupunta. 4 kami sa team. Si Ash, si Kian, si Ben at ako. Sa Championship, at least 4 ang kailangan mo. Kapag hindi siya dumating, matatalo kami ng hindi man lang kami lumaban.
Gabing-gabi na nun eh hindi pa ako inaantok. Narinig kong dumating yung jeep ng tatay ko kaya hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umupo doon sa hagdan at nakatingin lang sa kanya. Ako na lang yung tao nun sa baba namin.
Nung nakita niya ako, halata kong nagulat siya sa akin. Napahawak pa siya sa dibdib niya.
"Anak naman, ginulat mo ako."
"Matagal mo na bang alam na nandito siya?" yan ang unang tanong ko na akala mo eh may conversation kami na tinutuloy ko.
"Sorry anak? Ano?"
"Matagal mo nang alam na nandito siya sa Pilipinas! Si Nanay! Hindi mo sinasabi sa akin ano?!?
Namutla yung tatay ko nun. Lumapit siya sa akin at tumabi doon sa akin sa hagdan. Umakbay naman siya sabay tumango-tango.
"Oo, matagal ko nang alam."
Hindi ko na napigilan yung sarili ko, sinuntok-suntok ko siya sa braso niya pero hindi naman malakas. Bakit hindi niya sinabi? Bakit ba ang unfair ng lahat?
"Nakita ko siya nun na bumibili malapit sa mall. Akala ko nung una namamalikmata lang ako, pero siya pala talaga."
"Kinausap mo siya?"
Hindi katulad kanina, umiling naman siya ngayon.
"Bakit? Bakit hindi mo siya kinausap?"
"Para ano pa? Iniwan niya kayo sa akin at hindi na siya bumalik. Nagyong nakita ko na siya, ibang tao na siya sa akin. Ni-hindi ko na nga siya kilala. Para saan pa? May kanya-kanyang buhay na tayong lahat!"
"Alam ko! Alam ko yun tay! Pero hindi ba karapatan ko rin naman na makilala ko siya?!? 'Di ba?" umiyak na naman ako nun.
"Tama anak, karapatan mo nga. At, doon ako nagkamali." hinarap niya ako sa kanya,"At ihingi mo ako ng sorry sa kaibigan mo... si Ash."
Nagtaka naman ako sa kanya. Bakit ko naman siya ihihingi ng sorry kay Ash?
"Bago pa ang lahat, bakit naman kita ihihingi ng sorry sa kanya?!?"
"Kasi pinilit ko siyang mangako kahit ayaw niya. At yung batang yun, hindi niya sinira yung pangakong yun." ngumiti siya sa akin.
"So you're the one! Ikaw yung sinasabi niya na kaya pala hindi niya sinabi sa akin eh nangako siya?!? Ikaw?" yumuko na lang ako, "Sorry tay, baka hindi na makarating yung sorry mo sa kanya. He wouldn't even talk to me."
Yumakap naman yung tatay ko sa akin.
"Alam mo anak kung ako ang tatanungin mo? Si Ash eh isang napakabuting bata. At tingin ko, kayang-kaya ka niyang alagaan."
Kahit na seryoso kami ng tatay ko, natatawa naman ako sa kanya.
"Tay naman tagalog na tagalog ka eh! Baka mamaya lumalim ng lumalim yung tagalog mo, malunod ako!" dinaan ko na lang din sa ngiti.
Pinunasan naman niya yung luha ko at tumayo na ako. Ginulo pa nga niya yung buhok ko eh.
"Hindi bale, magkakaroon tayo ng panahon para maayos natin lahat sa nanay mo. Gabing-gabi na, matulog ka na pala. May laban pa kayo bukas."