***39***
Binitawan ko na lang yung contract. May R-13? Bakit ko nga ba hindi binasa ito noon? Kaya pala ganun na lang kung magsalita si Ash kapag tungkol dito. 'I didn't break R-13.' Nasaktan pa ako nun sa sinabi niya. Pero all this time, ibang R-13 naman pala yung tinutukoy niya.
Tapos ito pang locket. Paanong napunta sa kanya? Kapatid ko si Shalyna? Hindi pwede. Malabo 'di ba?
Umiyak na lang ako ng umiyak nun. Pumasok na lang ako sa banyo at doon ko nilinis yung sarili ko. Magang-maga na yung mata ko. Monday ngayon. Walang pasok bukas dahil puyat ang mga tao dahil sa pageant. Siguro nga panahon na rin para ako naman yung humakbang at alamin yung mag bagay-bagay. Hindi naman pwedeng ako na lang yung laging wala sa balita, at kailangan ko pang malaman sa iba. Hindi rin pwedeng ako na lang lagi yung nasa gitna at pakiramdam ko ako na lang lagi yung tinitignan, ako na lang lagi yung nasa spot. Gusto ko maiba naman. Gusto ko, kaming lahat ang nasa gitna. Hindi na lang ako. Nakakapagod rin pala.
Liliwanagin ko muna yung bagay-bagay kay Chester. sa kanya ang pinakamadali. Then, kahit ayoko, si Shalyna. Kailangang-kailangan ko siyang makausap. Tapos sino? Tatay ko siguro. Pagkatapos siguro ng tatay ko, my so-called mother. She need to explain everything. Noon iniisip ko kapag nahanap ko na siya, parang dream come true. Pero ngayon parang malayo doon yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung galit ba o ano, pero alam kong malayo sa pagiging masaya.
Kapag nakausap ko na silang lahat, haharapin ko na si Ash. Sa lahat-lahat naman, siya ang maraming ginawa para sa akin. Mas marami pa siyang alam na bagay-bagay sa sarili ko kaysa sa mga natuklasan ko. Higit sa lahat, siya ang pinakanasaktan sa lahat ng mga ginawa ko. Tama lang na kausapin ko siya at makipag-ayos.
Yun ay kung... kakausapin pa niya ako.
***
Maaga akong nagising kinabukasan. Or should I say, hindi naman talaga ako natulog at hinintay ko lang mag-umaga. Madaling-araw pa lang eh umalis na yung tatay ko para pumasada kaya hindi na kami nakita. Ako naman eh nagluto ng agahan naming tatlong magkakapatid.
As of now, tanggap kong tatlo muna kami.
Naupo ako doon sa dining table namin at hinihintay ko na may lumabas. Bihis na bihis na ako nun. Pupunta ako sa school. Alam kong walang pasok pero kailangan ko pumunta doon para malaman kung ano yung address ng bahay nila Chester. Hindi sinasagot ni Chester yung phone niya. Si Shalyna naman sinagot pero hindi nagsasalita. Si Ash? Unattended. Kagabi pa.
Nakatitig lang ako sa kawalan nun nung may nangharang ng kamay sa mukha ko kaya natauhan naman ako. Pagtingin ko, si Kuya Christopher pala. Siya naman ang pinakamatanda sa amin pero kung sa pagitan ni Kuya Christian at siya, mas close ako kay Kuya Christian.
"Kuya, anong ilang taon ka ba nung umalis si Nanay? 8? 9?"
"8 and a half."
"Yeah.. about that." sumubo naman siya ng hotdog, "Naaalala mo pa ba yung itsura niya?"
"Of course, pero hindi na masyado. Nalilimutan ko na. Wala naman akong picture niya eh. Teka nga, bakit ba bigla ka na lang na-curious sa kanya?" tumingin siya sa akin.
"Wala lang. Naisip ko lang." yumuko naman ako.
"Umiyak ka ba?"
Lalo tuloy akong hindi makatingin sa kanya.
"H-hindi."
Hinarap naman niya yung mukha ko sa kanya.
"Yep. Umiyak ka nga.""Wala nga akong teardots paano akong iiyak!"
Bago pa niya ako tanungin eh tumayo na ako at kinuha ko na yung body bag ko sa sofa namin at nag-kiss lang ako sa pisngi niya. Nag-bye na lang din ako. Halata ko namang nagtataka rin sa akin yan, pero ayoko na munang sumagot sa mga tanong na kahit ako eh hindi ko alam. Nagtaka pa nga siya kung bakit pupunta daw ako ng school eh wala naman daw pasok.